Mga Bading naglalaway kay James Reid; inggit na inggit kay Nadine | Bandera

Mga Bading naglalaway kay James Reid; inggit na inggit kay Nadine

Jobert Sucaldito - November 23, 2015 - 02:00 AM

james reid

HINDI ako maka-get over sa kaguwapuhan at kaseksihan ng super-crush kong si James Reid when I watched one episode ng On The Wings Of Love sa ABS-CBN.

Napakanatural nilang umarte ni Nadine Lustre at kakakilig talaga ang mga eksena nila. At wala talaga silang keber kung maghalikan, ha. Natural, nag-ilusyon akong sana ako na lang si Nadine. Ha-hahaha! Ano nga kaya, ‘no? Baka himatayin ako sa tuwa.

Ang ganda ng show na ito – simple yet very enchanting. Glossy ang texture ng show pero abot ng masa. Dama mong parang kasali ka sa scenes nila. Kasi nga, relate na relate kami.

Or baka dahil malala lang ang ilusyon ko kay James Reid. Ha-hahaha! Nabawasan ang pagka-crush ko kay Papa Aljur Abrenica kasi meron akong nakitang kakaibang kaseksihan kay James. Mata pa lang niya parang malulusaw ka na.

Kaya naman napakaraming girls and gays inggit na inggit kay Nadine lalo na kapag nagki-kiss na sila. Nandoon pa rin ang ilusyon ko for Papa Aljur pero nahuhumaling ako kay James now. Sabihin niyo nang ilusyunada at baliw ako sa kanila pero ganoon talaga eh – bakla lang.

Alam niyo na. Ha-hahaha! If I get the chance I really watch On The Wings of Love kasi ang cute nga ng palabas na ito. And super-toprated ha. Huwag niyo lang sabihin kay James pero I am one of his biggest fans now kung hindi the BIGGEST FAN. Kung alam niya lang na nagwa-water-water ako sa kaniya. Charoooozzzz!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending