Kris Bernal umani ng papuri sa Little Nanay ng GMA
PURO positibo ang nababasa naming mga komento sa pagsisimula ng bagong serye ng GMA na Little Nanay na pinagbibidahan nina Kris Bernal, Eddie Garcia at Nora Aunor.
In fairness, panalo ang pilot week ng nasabing serye at marami ang nagsasabi na napakagaling daw ng pagganap ni Kris bilang isang mentally-challenged na mabubuntis ng kanyang kaibigan.
Ayon sa ilang nag-comment sa official Facebook page ng Little Nanay, si Kris ang may pinakamahirap na role sa lahat ng members ng cast kaya saludo sila sa galing ng Kapuso star.
Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Little Nanay sa GMA Telebabad, ikinasal na nga sina Tinay (Kris) at Archie (Hiro Peralta). Hindi pa rin matanggap ni Archie na may asawa na siya at isang katulad pa ni Tinay na isang alagain.
Masayang-masaya naman si Tinay. Maging si Vivian (Gladys Reyes) ay hindi rin gusto ang pag-aasawa ni Archie. Nahirapan si Archie mag-adjust sa buhay kasama sina Tinay.
Sa hirap ng kalooban nagsumbong si Archie sa mga magulang, mabilis naman si-nabi ni Vi ang plano nilang itakas si Archie. Pagkatapos na palihim na nagpaalam kay Tinay, umalis na si Archie.
Nagising nalang ang pamilya ni Tinay na wala na si Archie. Mabilis na sumugod sina Berto (Bembol Roco) at Annie (Nora) sa bahay nina Vi at Edgar (Keempee de Leon).
Ngunit hindi na daratnan nina Annie ang mag-anak ni Archie sa bahay nito. Natakasan na sila nito nagpuntang ibang bansa. Mabigat na mabigat ang loob nina Berto at Annie sa panlolokong ginawa nina Archie sa kanila at kay Tinay.
Magkasama namang nagpaalam kay Don Miguel (Eddie Garcia) sina Helga (Sunshine Dizon) at Stanley (Paolo Contis) para sa kanilang kasal pero nang isiningit uli ng Don ang tungkol kay Lorna, na-offend si Helga at nag-walk out.
Walang tigil si Tinay sa kahahanap kay Archie. Biglang naduwal si Tinay, after ng check-up, ang sabi ng doktor – buntis nga ang dalagang ina. Gabi-gabing tutukan ang Little Nanay pagkatapos ng Marimar sa GMA Telebabad.
Kasama rin dito sina Renz Fernandez as Atty. Gerald Cruz, Mark Herras as Peter Parker Batongbuhay, Juancho Trivino as Bruce Wayne Batongbuhay, Wynwyn Marquez as Beatrice, Abel Estanislao, Rafa Siguion-Reyna as Edgar at Jinri Park as Vi.
Ito’y sa direksiyon ng award-wining actor na si Ricky Davao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.