FEU Tamaraws pasok muli sa UAAP Finals
Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
3:30 p.m. UST vs NU
(Final Four)
NAKABALIK ang Far Eastern University sa finals ng UAAP men’s basketball tournament matapos itala ang 76-74 panalo laban sa Ateneo de Manila University kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Naghulog ng buzzer-beating putback si Mac Belo matapos ang sablay na driving layup ni Mike Tolomia para burahin ang 74-all pagtatabla at ihatid ang Tamaraws sa ikalawang sunod na pagpasok sa UAAP Finals.
Ang game-winner ni Belo ang nagsara sa kanyang all-around performance kung saan nagtapos siya na may 15 puntos, siyam na rebounds at dalawang shotblocks.
Sina Roger Pogoy ay nagdagdag ng 16 puntos habang si at Mike Tolomia ay nag-ambag ng 13 puntos para sa FEU.
Makakaharap ng FEU ang magwawagi sa pagitan ng University of Santo Tomas Growling Tigers at National University Bulldogs sa kanilang UAAP Final Four matchup ngayong hapon.
Ang back-to-back season Most Valuable Player na si Kiefer Ravena ay gumawa ng 25 puntos para pangunahan ang Ateneo subalit nasayang naman ito dahil magpapaalam na rin siya sa Blue Eagles ngayong season.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.