Piolo lumebel sa mga bida ng Walking Dead, Hunger Games
Tumulak na patungong New York, USA si ABS-CBN President, Chief Content Officer, at CEO na si Charo Santos-Concio para pangunahan ang pagbubukas ng 43rd International Emmy Awards na gaganapin sa Lunes (Nov. 23) bilang bahagi ng kanyang pagiging Gala Chair.
Nag-uumapaw sa galak si Charo sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng iEmmy’s board para i-host ang pinakamalaking pagtitipon ng pinakamahuhusay na creative at production teams at talents mula pa sa iba’t ibang panig ng mundo.
“Hindi ko akalain na mabibigyan ako ng opportunity to be really of service to our Kapamilya, to our kababayans – to be able to represent our country and my company with pride and honor,” ani Charo Santos.
Kaugnay nito, ipinahayag rin ni Charo ang kumpi-yansa sa galing at husay ng Pinoy pagdating sa larangan ng broadcasting. “A lot of Filipinos have great stories to tell about our Filipino spirit of strength and resilience.
And I really hope more of our shows would be recognized by the international community. I’m sure na isang araw na five to 10 years from now Filipino content will be as big as content from other parts of the world,” aniya.
Makakasama ni Charo sa prestihiyosong gabi ang aktor na si Piolo Pascual na naimbitahan naman para maging isa sa presenters. Makakahanay ni Piolo ang mga naglalakihang artista mula sa iba’t ibang panig ng mundo kabilang sina Michael Douglas, Tovah Feldshuh ng The Walking Dead, Patina Miller ng “The Hunger Games,” at Lea DeLaria ng “Orange is the New Black.”
“It’s really overwhelming. This is something new for me and I’m just excited to be there and represent the country with Tita Charo. I’m really excited because we’re carrying the flag of the Philippines,” sabi ni Piolo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.