Wala pa ring nakakaagaw ng trono ni Coco Martin sa ABS
SPEAKING of Susan Roces, talagang puring-puri ng mga manonood ang biyuda ni FPJ sa numero unong primetime series sa Pilipinas na Ang Probinsiyano na pinagbibidahan ng nag-iisang Teleserye King na si Coco Martin.
Ayon sa Kapamilya viewers, wala pa ring kupas ang akting ng veteran award-winning actress dahil kuhang-kuha pa rin niya ang puso ng masang Pilipino bilang lola ni Coco sa kuwento. At dahil sa taas ng rating ng kanilang teleserye, wala pa ring nakakaagaw sa trono ni Coco bilang Soap Opera King.
At sa mas lalo pang tumitinding aksyon at drama sa pagpapatuloy ng Ang Probinsiyano, tutukan ang mga susunod na eksena sa gagawing pagtakas ni Diego (Ping Medina), ang suspect sa pagpatay kay Ador (Coco).
Hahatulan ng habambuhay na pagkakakulong si Diego ngunit makakatakas ito sa tulong ng makapangyarihan at isa sa mga pinuno ng sindikato na si Tomas (Albert Martinez). Matutunugan ito ni Cardo (Coco) at agad din niyang susundan at susubukang pigilan ito.
Sa pagtakas ni Diego, paano ito makadaragdag sa hirap ng pagpuksa ni Cardo sa sindikato?
Mapagtagumpayan pa kaya niya ang misyong naiwan ng kanyang kakambal?
Magsisimula na ring pumasok sa paaralan si Onyok. Nu’ng una ay todo-tanggi ang bagets sa pag-aaral sa iskul ngunit sa pamimilit ng kanyang kuya Cardo ay mapililitan na rin ito nang sabihin sa kanya na ang pag-aaral ang kanyang bagong misyon.
Samantala, para naman sa mga avid viewers ng Ang Probinsyano, abangan sina Coco, Richard Yap, Maja Salvador, Arjo Atayde, Bela Padilla at Agot Isidro na maghahandog ng mga sorpresa at maagang pamasko sa “Kapamilya Krismas 3” ngayong Linggo (Nov. 22) sa Trinoma Mindanao Open Parking ng 4 p.m..
Huwag palampasin ang kapana-panabik na mga tagpo sa pambansang teleserye ng Pinoy na Ang Probinsyano, Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN Primetime Bida after TV Patrol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.