Sam ayaw ligawan si Maja: May iba akong nagugustuhan!
DIRETSONG inamin ni Sam Milby na wala siyang planong ligawan si Maja Salvador na patuloy pa ring i-nili-link sa kanya ng ilang netizens.
Sa interview ng Kris TV kay Sam, sinabi ng Kapamilya singer-actor na interesado siya noong pormahan si Maja pero ngayon, may ibang babae na raw siyang nililigawan.
“We’ve been friends for the longest time. I don’t know why (na nali-link sila sa isa’t isa). But I must admit, nagparamdam ako dati sa kanya. I really did. I made her feel na I was interested and I did like her.”
Nang tanungin kung kailan ito nangyari, “Mga three years ago. It was before Gerald (Anderson).”
Isa raw sa mga nagustuhan niya kay Maja ay ang pagiging totoong tao nito at isa ang aktres sa mga napagsasabihan niya ng ilang personal na detalye sa kanyang buhay, “Si Maja is really someone that I really really admire.
You can talk to anybody in the business but she’s just a real person.” Hindi man diretsong sinabi ni Sam, ngunit sa naging sagot niya sa tanong kung posible pa kayang ma-ging sila ni Maja, mukhang hindi na siya interesado sa aktres.
“I can’t say if puwede pa for the fact that I am obviously interested in somebody right now. I don’t think it would be right naman. But she’s someone that I really, really admire,” aniya.
Kamakailan sa presscon ng next major concert ni Sam na “The Milby Way”, inamin niyang may special someone na siya pero ayaw muna niya itong idetalye sa publiko.
Lumabas dito sa BANDERA kamakailan na posibleng ang tinutukoy na babae ni Sam ay ang TV host-model na si Mari Jasmine. Ngunit hindi pa rin napaamin ang aktor sa panayam nito sa Kris TV.
“Wala pa akong sinabi. E-verything that came out on Internet was from people assu-ming. I don’t want to share pa. We are still getting to know each other better. I’m taking time naman.
We are just getting to know each other. It’s going well,” mariing pahayag ng hunk actor. Samantala, ayon sa bagong leading man ni Julia Montes sa afternoon series ng ABS-CBN na Doble Kara, kung mabibigyan siya ng pagkakataon, gusto niyang magbida sa isang proyekto na may pagka-psycho.
Matagal na raw gustong gumanap na baliw ang aktor sa isang pelikula o teleserye. Type rin daw ni Sam ang mag-action tulad ng sa pelikulang “Bourne Identity”.
Ilan daw sa mga dream role niya ang mga karakter na ginampanan ng Hollywood star na si Heath Ledger, lalo na sa action-fantasy movie na “The Dark Knight”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.