Ken Chan bilang Destiny Rose: Mas maganda pa ako sa girlfriend ko! | Bandera

Ken Chan bilang Destiny Rose: Mas maganda pa ako sa girlfriend ko!

Ervin Santiago - November 16, 2015 - 02:00 AM

destiny rose

Nag-trending noong Bi-yernes ang episode ng afternoon series ng GMA na Destiny Rose matapos ipakita ang itsura ni Destiny Rose na ginagampanan ng Kapuso matinee idol na si Ken Chan.

Puro papuri ang natanggap ni Ken mula sa viewers and netizens dahil nga sa taglay nitong ganda nang binihisan na ng pambabae bilang isang transwoman. Tunay ngang ito ang most beautiful transformation on Philippine TV.

Nang makachika nga namin si Ken kamakailan, si-nabi nitong grabe ang hirap na dinanas niya sa nasabing transformation episode, “Every taping na ginagawa ko, sobrang drained po talaga ako physically, emotionally drained po.

“Physically dahil ang dami pong nakakabit sa ‘kin, ang dami kong kailangang gawin para maging babae: pagsusuot ng wig, nakatirintas yung buhok, paglalagay ng wig, ‘tapos magsusuot ka ng balakang, beywang, breast, butt, lahat…

“Nakadamit ka ng pang-ano ‘tapos nakaipit ang tiyan mo the whole day, gagawin mo yon.Tapos pagtanggal ko ‘yon, parang drained na drained talaga ako. “Then kasabay pa no’n yung emotional part na kaila-ngang isipin, na-internalize na babae ako the whole day,” chika ni Ken.

Sabi pa ng binata, plano niyang mag-abroad muna after ng Destiny Rose, “Plano po sa akin ng GMA at Artist Center at ng production ng Destiny Rose na matatagalan o baka hindi na po ako gumawa ng ganitong role.

Kailangan ko ring gawin ito para makapagpahinga dahil sobrang nakakapagod po talaga ang maging babae.” Inamin din ni Ken na may dyowa siya ngayon na isang commercial model at tuwang-tuwa raw ito kapag napapanood siya sa Destiny Rose.

Ano naman ang reaksiyon ng kanyang GF sa serye niya, “Tawa lang siya nang tawa sa akin. Pero napaka-supportive naman po niya.” Nang tinanong namin si Ken kung sino ang mas pretty sa kanila ng dyowa, “Mas maganda po ako sa kanya.”

Sina Marian Rivera at Carla Abellana raw ang peg niya bilang transwoman, “Kunwari kung paano umiyak si Marian Rivera, ki-nuha ko yung iyak ni Marian Rivera, gano’n siya umiyak. Kung paano tumawa si Carla Abellana, yun ang ginagawa ko.

“Kasi kung gagaya po ako, magpe-peg ako ng isang babae, baka magaya ko siya o baka pag sinabihan na, ‘Acting ni ano ito.’So ang ginawa ko, nagtagpi-tagpi ko ang mga nagagalingan akong babaeng umarte para mabuo ko si Destiny Rose,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending