Jm de Guzman: Bipolar ako, pasensiya na sa mga nagawa ko!
NAG-SORRY si JM de Guzman sa kanyang mga follower sa social media matapos mag-emote tungkol sa paggamit niya noon ng droga at pagkakakulong sa rehabilitation center sa loob ng ilang buwan.
Inamin ng Kapamilya actor na nawalan siya ng kontrol sa kanyang emosyon kaya siya nakapag-post ng napakahabang mensahe sa kanyang Instagram account. Humingi siya ng pang-unawa sa lahat ng naapetuhan sa kanyang pinagsasabi.
“I lost control with myself again. And I would like to apologize from the bottom of my heart. That was uncalled for. But I am ok now. Peace,” ayon kay JM.
Dito inamin din ng Kapamilya actor na inaatake siya ng depresyon at “anxiety attacs at bipolar disorder”. Nakiusap din siya sa kanyang fans na huwag nang sisihin ang kanyang ex-girlfriend na si Jessy Mendiola sa mga pinagdaraanan niya ngayon.
“Please don’t blame Jessy nor ABS-CBN and my All of Me family. I was going through very tough times, but by the grace of God. “He guided me well and filled my heart with nothing but joy and peace.
Again I sincerely apologize. Anxiety attacks and bipolar and depression. My occasional friends…Peace,” ayon pa kay JM na tinanggal na nga sa seryeng All Of Me dahil nga nagiging sakit na siya sa ulo ng produksiyon.
Matatandaang inamin din ni JM na apektado siya kapag ikinakabit pa rin ang pangalan niya sa droga. Sa kabila raw kasi ng pagbabagong ginagawa niya sa kanyang personal na buhay at sa kabila ng effort niyang maibalik ang tiwala ng publiko sa kanya matapos ang mga pinagdaanan niya sa loob ng rehab ay patuloy pa rin siyang ibinabagsak ng mga taong walang magawa sa buhay.
Kamakailan nagsalita rin si Jessy na huwag siyang husgahan ng mga supporters ni JM dahil hindi alam ng mga ito ang tunay na mga nangyayari kay JM.
Ipagdarasal din daw niya ang mga taong patuloy na nambabastos sa kanya sa social media na walang ginawa kundi sisihin siya sa mga nangyayari kay JM.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.