Barako Bull naungusan ang Meralco | Bandera

Barako Bull naungusan ang Meralco

Melvin Sarangay - , November 16, 2015 - 01:00 AM

HINDI ininda ng Barako Bull Energy ang 40 puntos na ginawa ni Gary David para maungusan ang Meralco Bolts, 108-106, sa kanilang 2015-16 PBA Philippine Cup elimination round game kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Muntik nang tumiklop ang Energy sa huling bahagi ng laro matapos isablay ang apat na free throws sa huling minuto at kinailangan nila ang matinding depensa para mapigilan ang Bolts.

Pinamunuan ni Josh Urbiztondo ang Barako Bull sa ginawang 24 puntos.

Sina RR Garcia ay nagdagdag ng 18 puntos habang si Willy Wilson ay nag-ambag ng 17 puntos para sa Barako Bull, na umangat sa 2-2 kartada.

Sinayang naman ng Bolts ang ginawang 40 puntos ni David, na tumira ng 14-of-21 field goal shooting, matapos na malasap ng koponan ang ikaapat na pagkatalo sa apat na laro.

Kumana si David ng 14 puntos sa ikaapat na yugto kabilang ang kanyang ikapito at huling triple sa laro na tumapyas sa kalamangan ng Energy sa dalawang puntos, 108-106, may 29.2 segundo ang nalalabi sa laro.

Sa ikalawang laro, tinambakan ng San Miguel Beermen ang Barangay Ginebra Kings, 100-82, para makuha ang solo liderato.

Gumawa si Arwind Santos ng 24 puntos para pamunuan ang Beermen na umangat sa 4-1 karta.
Ang Kings ay nahulog naman sa 1-3 record.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending