Adjustment sa SSS | Bandera

Adjustment sa SSS

Liza Soriano - November 13, 2015 - 03:00 AM

DEAR Aksyon Line,

Sumulat na rin po ako noon sa Aksyon Line para sa pension ng tatay ko at salamat po sa Aksyon Line dahil natulungan kami. Ngayon po ay mahigit na rin sa isang taon na siyang nakakakuha ng pension sa SSS.

Kamakailan ay nagpunta ang uncle ko sa bahay namin at naikuwento niya ang tungkol sa adjustment ng SSS. Pinayuhan niya ako na magtanong sa SSS kung maaari pong makakuha ng adjustment ang tatay ko.

Malaking tulong po para sa kanya lalo’t nakakaranas na siya ng pagtaas ng blood pressure. Marami na rin siyang maintenance na gamot. Sana ay matulungan ninyo kami.

Ang aking ama ay si Antonio Calipos Sr at may SSS number..63-0

Salamat po.

Ronnie

REPLY: Kaugnay po ng katanungan ni G. Ronnie kung may adjustment ang kanyang tatay sa kanyang pensyon. Nais po naming ipaliwanag na may piling pagkakataon lamang po kung saan maaaring magbago ang halaga ng pen-syon ng isang miyembro.

Halimbawa, kung mapapatunayang may mga hulog siya na hindi naibilang ng SSS dahil wala ito sa aming record o di kaya’y isa siya sa mga miyembrong nakikitaan ng hulog mula 1985 hanggang 1989 kung saan may mga hulog pong hindi nai-post sa aming records bunsod ng isinagawang system upgrade noon.

Inanunsyo po namin noong nakaraang taon ang isang proyekto kung saan magsasagawa ang SSS ng manual verification o ang mano-manong pagsusuri ng SSS records ng mga miyembro para tiyakin kung may mga hulog pa sila noong 1985-1989 na hindi naitala sa database. Inaasahan pong matatapos ang proyektong ito sa Disyembre 2015.

Kaugnay nito, hindi na po kailangan pang magsumite ng request o aplikasyon ang kanyang tatay sapagkat automatic na pong ire-recompute ng SSS ang kanyang pensyon sa oras na makitaan pa ang kanyang records ng mga karagdagang hulog at cre-dited years of service (CYS). Ang CYS po ay tumutukoy sa bilang ng taon kung saan nakapagtala ng hulog sa SSS ang isang miyembro.

Nais din po naming linawin na hindi po lahat ng miyembro na mayroong request for adjustment ay nagkakaroon ng karagdagang pensyon. Halimbawa, kapag natapos ang manual verification at bagamat nadagdagan ng ilang hulog pero hindi naman ito nakaapekto sa dami ng CYS na ginamit sa pagkakalkula ng kanyang pensyon. Sa ganitong pagkakataon, maaaring walang pagbabago sa halaga ng pensyon matapos ang panibagong pagkakalkula nito.

Gayundin, makatatanggap po ang tatay ni G Ronnie ng notice mula sa SSS kapag may pagbabago sa kanyang pensyon.

Maraming salamat po.

Sumasainyo,

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May Rose DL
Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs
Department
Noted:
Ma Luisa P Sebastian
Department Manager III
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending