Dagdag-sahod aprub na sa ikalawang pagbasa | Bandera

Dagdag-sahod aprub na sa ikalawang pagbasa

Leifbilly Begas - November 12, 2015 - 03:20 PM

house of representatives
Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukalang dagdag-sahod at 14th month pay sa may 1.3 milyong empleyado ng gobyerno.
Sinabi ni Speaker Feliciano Belmonte Jr., na ang agarang pagpasa ng Salary Standardization 4 (House bill 6268) ay pagpapakita na determinado ang Kongreso na itaas ang sahod simula Enero 1.
“It’s been three years since the last tranche of the SSL 3 was effected and completed. It’s about time we update the compensation and position classification system for our government personnel to make their pay competitive with the market rates and the private sector,” ani Belmonte.
Sa susunod na linggo ay maaari na itong aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa.
Apat na taong ipatutupad ang dagdag sa sahod na maglalapit umano sa suweldo na kinikita sa pribadong sektor.
Para sa dagdag sa 2016, kakailanganin ng gobyerno ng P57.9 bilyon. Sa ilalim ng P3.002 trilyong budget sa susunod na taon ay may nakalaan ng P50.4 bilyon kaya daragdagan na lamang ito.
Sa 2017 ang dagdag na sahod ay nagkakahalaga ng P54.3 bilyon, sa ikatlo ay P65.9 bilyon at sa huling taon ay P47.5 bilyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending