Natagpuang patay ang matandang babae sa loob ng isang drum na may tubig, sa San Pascual, Batangas, matapos umanong magtago doon dahil sa panggugulo ng masasamang espiritu, iniulat ng pulisya kahapon.
Nadiskubre ang bangkay ni Irene Mapa, 61, sa loob ng 4-talampakang taas na drum dakong alas-5 ng umaga Biyernes, ayon sa naantalang ulat ng Batangas provincial police.
Isang driver na kapitbahay ng matanda ang nakadiskubre sa bangkay. Puno ng tubig at bahagyang nakabukas ang takip ng drum, na nasa likod ng bahay ni Mapa sa Center Plain Subd., Brgy. Poblacion, ayon sa ulat.
Sinabi sa pulisya ng 30-anyos na si Lailanie Mapa, anak ng matandang babae, na posibleng nagtago ang ina sa drum dahil sa iniindang sakit sa pag-iisip.
“According to her daughter Lailanie… her mother was suffering from mental disturbances brought by evil spirits and bad premonitions,” sabi sa ulat ng pulisya.
Nagsasagawa pa ng karagdagang imbestigasyon ang pulisya kaugnay ng insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.