LJ REYES matagal nang nilayasan ni PAULO AVELINO, single mom na?
Hindi lang daw maamin-amin sa mga tao
MAS marami ang naniniwala na matagal nang hiwalay sina LJ Reyes at Paulo Avelino.
Kapag kasi tinatanong ang Kapuso actress at isa sa mga bida sa primetime series ng GMA na Aso Ni San Roque, hindi niya masagut-sagot ng diretso kung ano na ba talaga ang estado ng pagsasama nila ni Paulo.
Basta ang laging sinasabi ni LJ, hindi naman nagpapabaya si Paulo kung ang kapakanan ng anak nila ang pag-uusapan.
In fact, hands on daw sila pareho sa pag-aalaga sa bata.
Ito’y taliwas nga sa mga naglalabasang chika na iresponsableng tatay ang Kapamilya leading man.
Sa huling interview namin kay LJ, sinabi nitong ang priority niya ngayon ay ang kanyang anak, kailangan daw niyang magtrabaho nang magtrabaho para sa future ng bata. Pero say ng aktres, kahit daw gaano siya kapagod mula sa pagtatrabaho, lalo na ngayong patayan na at halos araw-araw ang taping nila sa Aso Ni San Roque, sinisiguro niya na nabibigyan ng quality time ang anak nilang si Aki.
“Minsan hanggang kaya ko pang idilat yung mga mata ko kahit puyat, talagang gagawin ko, ‘tapos ako yung nag-aalaga sa kanya.
Nakakatuwa rin kasi minsan kapag day-off, kaming dalawa lang talaga.
“Nakakalungkot din minsan kapag nami-miss mo yung bata.
Natatawa nga minsan yung mga kasama ko sa work kapag nakikita nila na may mga pictures ako.
Sasabihin nila, ‘O, nami-miss mo na?’ Very hands-on naman kami (ni Paulo),” say pa ni LJ.
At nang tanungin nga si LJ kung kumusta na sila ni Paulo, nakiusap siya ng huwag na lang daw pag-usapan ‘yun, “Lahat naman po ng artista gusto ng privacy.
Kahit na sabihin natin na, oo, we owe it to our fans na meron silang malaman na kahit kaunting mga personal things about us.
Pero minsan gusto namin na meron kaming kahit kaunting privacy.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.