Alden namayat sa dami ng trabaho, pinayuhang unahin ang kalusugan | Bandera

Alden namayat sa dami ng trabaho, pinayuhang unahin ang kalusugan

Cristy Fermin - November 08, 2015 - 02:00 AM

ALDEN RICHARDS 1009

Maraming nakakapansin na medyo nangayayat si Alden Richards. Pero ang nabawas niya namang timbang ay walang naging epekto sa kanyang itsura dahil hindi ‘yun naging kabawasan sa kanyang kaguwapuhan na kinakikiligan at tinitilian ng mga kababaihan at sangkabaklaan.

Hindi na nakapagtataka kung pumayat man ang Pambansang Bae, sa dami ng kanyang trabaho ngayon ay kaninong katawan ang hindi susuko, kakambal ng mabilisang paggalaw ang pagbabawas ng timbang.

Mula nang maging phenomenal ang kanilang tambalan ni Maine Mendoza ay wala nang sariling panahon si Alden, umuuwi na nga lang yata siya kapag maliligo, ang pinakatulugan na niya ay ang bagong bili niyang malaking sasakyan.

Taping, shooting, TVC shoot, live show, provincial shows. Du’n na lang umiikot ang mundo ngayon ni Alden. Siguro nga ay pangarap na lang ngayon para sa kanya ang makakumpleto nang walong oras na tulog at pahinga.

Pero sayang ang pagkakataon kundi niya sasamantalahin, paminsan-minsan lang dumarating ang pag-ulan ng suwerte, kailangan na lang punuan ng pag-aalaga ni Alden Richards ang kanyang katawan ngayon.

Napakahalaga ng kalusugan. Balewala ang lahat ng ating kinikita kapag binawian tayo. Laging una pa rin ang katawan bago ang anupaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending