Top seed sa Final Four seselyuhan ng FEU Tamaraws | Bandera

Top seed sa Final Four seselyuhan ng FEU Tamaraws

Mike Lee - November 07, 2015 - 01:00 AM

feu

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
2 p.m. UE vs Adamson
4 p.m. FEU vs UST
Team Standings: *FEU (10-1); *UST (9-3); *Ateneo (8-4); La Salle (5-6); NU (5-7); UE
(4-7); UP (3-8); Adamson (2-10)
* – Final Four

OKUPAHAN ang number one seeding bukod sa pagbangon mula sa pagkatalo na ipinalasap sa unang pagtutuos ang nais ng Far Eastern University sa pagpapatuloy ng 78th UAAP men’s basketball ngayon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Kalaro ng mainit na FEU ang University of Santo Tomas sa ikalawang laro na magsisimula alas-4 ng hapon matapos ang bakbakan ng University of the East at Adamson University sa ganap na alas-2 ng hapon.

Ang Falcons pa lamang ang napahinga sa walong koponang liga kaya’t asahan ang balikatang labanan sa mga huling laro sa second round elimination.

Sasandalan ng UE ang magarang 91-77 panalo sa UST sa huling laro para tablahan ang nagdedepensang kampeon National University (5-7) sa ikalimang puwesto.

May 9-game winning streak ang Tamaraws at ang huling kabiguan nila noong Setyembre 9 ay ipinalasap ng Tigers, 72-71. Naging mabisang sandata ng FEU sa pagpapanalo ay ang magandang teamwork at ito ay inaasahang ipamamalas uli para selyuhan na ang number one sa Final Four.

Hindi naman ganoong kadali na papayag ang Tigers na kailangan ang panalo para makatiyak ng playoff sa unang dalawang upuan na may mahalagang twice-to-beat advantage.

Kapag nabigo uli ang UST, lalong titibay ang laban ng Ateneo de Manila University para sa ikalawang puwesto sa Final Four dahil isang laro na lamang ang pagitan ng dalawang koponan.

Ang Ateneo ay makakaharap ang nangangapang De La Salle University bukas at kung manalo sila at matalo ang UST ay magtatabla sila sa 9-4 papasok sa huling laro sa elimination round.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending