'Yaya Dub hindi lang basta ordinaryong celebrity' | Bandera

‘Yaya Dub hindi lang basta ordinaryong celebrity’

Arvin Mendoza - November 06, 2015 - 05:56 PM

HANGGANG ngayon ay tila panaginip pa rin ang tingin ni Maine Mendoza alias “Yaya Dub” sa kasikatang tinatamasa hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Kasalukuyang nagsu-shooting si “Yaya Dub” ng kanyang kauna-unahang pelikula “My Bebe Love (#KiligPaMore) kasama ang kalove-team na si Alden Richards Mendoza, bilang kanilang entry sa Metro Manila Film Festival.

Pinalad ang Inquirer.net na makabisita sa set ng pelikula na kinukunan sa Alabang noong Huwebes.

“With Maine, I dont think she is fully aware of the immense popularity that she has. I don’t think it has sunk in to her,” ayon sa veteran director na si Jose Javier Reyes sa panayam ng INQUIRER.net.

“This is Maine’s first movie and she’s a natural comic,” paliwanag ni Reyes.

Obvious anyang magiliwin at masayahin ang baguhang aktres na nakilala sa kanyang pagda-dubsmash.

Sumikat si Maine dahil sa kanyang pag li-snycing ng mga popular at nakatutuwang linya sa mga pelikulang Pinoy at television shows, na siya namang nagbukas sa kanya ng pinto para makasama sa Eat Bulaga, at magpasimula nang tinatangkilik ngayong “Kalyeserye” araw-araw.

Wala umanong pagkukunwari sa sarili ang dalaga at “she has the openness to be a very good comedian”, pahayag pa ng direktor.

Bukod pa rito, sadya umanong matalino ang dalaga.  “Aside from that, which is really important and quite a rarity nowadays, she’s intelligent. She’s not just another celebrity.”

Nasa ika-17 araw na ng kanilang shooting nang makapanayam ang dalaga.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending