UMINGAY muli ang matagal nang may alitan na sina Ara Mina at Aiko Melendez nu’ng mag-guest ang huli sa The Buzz.
Si Ara kasi ang karelasyon ngayon ng ex-boyfriend ni Aiko at nagdemanda sa kanya na si Mayor Patrick Meneses ng Bulacan, Bulacan.
Tila ‘di na matatapos ang gap sa dalawang aktres na parehong minsan din ay nagkaroon ng ugnayan sa aktor na si Jomari Yllana.
Hindi lang sa usaping pag-ibig nagkainitan si Ara at Aiko kundi umabot na rin sa politika.
Hindi naman nagdamot ng panayam si Ara at isa-isang sinagot ang isyu sa kanila ni Aiko pati na sa kapatid na si Cristine Reyes at sa relasyon niya kay Mayor Patrick nu’ng makorner namin siya sa Bohol Mansions sa Kyusi.
BANDERA: Paano ba nagsimula ang romansa nila ni Mayor Patrick? Kailan niya sinagot ang politiko?
ARA MINA: Wala namang sagut-sagutan na nangyari kasi hinahanapan ko pa ‘yan ng date before. Barkada siya ng ex-boyfriend ko. Tapos nawala siya then, bumalik siya sa barkada namin.
Lagi kaming magkakasama. Sinasabi pa (ng ex-BF niya), hanapan ko ng date.
Hinahanapan ko pa ng date. Pinapakilala ko kung kanino man.
Tapos minsan ‘pag may ka-date siya binibista pa ako ‘pag nagkaka-away kami ng ex ko.
E, gumaan ang loob ko sa kanya.
Gumaan ang loob niya sa akin kasi ‘di ba very different kasi ‘yung pagkakaalam niya sa pagkatao ko.
Kumbaga, parang sobrang nakakawindang ‘yung mga nalaman niya about me, So, ayun, parang wow!
B: Paano siya nakilala nang husto ni Patrick?
AM: Well, nu’ng ano, lumalabas na kaming grupo because of our yoga kasi in-invite ko siya before sa yoga, e,
We have a group. So, we go out by groups, ganoon. Mga January ‘yan this year. Pero ako, two years na akong nagyo-yoga.
B: Ano’ng nagustuhan niya kay Patrick?
AM: Marami kaming pagkakapareho, na parang I see myself na siya ‘yung lalaking version ko.
Mabait, mapagmahal sa pamilya, ganyan.
Tapos generous siya, understanding saka nakikinig.
He listens to me na parang ano kasi ‘di ba merong mga mag-girlfriend-boyfriend hindi nasasabi ‘yung mga problema.
Eto, lahat ng problema ko pagdating sa family alam niya na ‘di ba, ‘yung iba?
Uh, ‘wag na nating pag-usapan. Eto, ano, tinutulungan niya akong harapin.
B: Hindi ba niya naramdaman na baka gamitin lang siya against Aiko?
AM: Ay, no, no! Siguro naman, hindi naman ako tanga pagdating doon.
Ang ano ko lang is parang, sinabi ko na for me he makes me a better person and he said I make him a better person also.
B: Posibleng isipin ni Aiko na nananadya siya dahil after ng relasyon niya sa ex-husband na si Jomari, ang ex-boyfriend naman niya ang dyinowa niya.
AM: Sa tingin ko tanong na lang din, e, bakit na lang sila ang pumupunta sa akin?
Kasi ‘di ba kung okey pa sila, siguro marami siyang nasasabi about me na kabaligtaran pala nu’ng na-meet ako.
B: Aware naman siya na isa na namang ex si Mayor Patrick sa buhay ni Aiko na kagalit niya. Kahit lapitan siya ni Mayor Patrick ‘di ba niya naisip na umiwas na lang sa politika dahil may link na naman kay Aiko?
AM: Alam mo, hindi mo naman matuturuan ang puso, e, ‘di ba?
Sabihin na natin pero ganu’n talaga ang buhay, e. Hindi talaga umaalis ‘yung anino ko sa kanya.
Pero, syempre sino ba namang….dalawa lang naman ‘di ba?
Pero hindi naman si (Martin) Jickain, excuse me ‘di ba? Hindi naman lahat.
Ang dami niyang naging dyowa ano. Actually, ayoko ng mag-react kasi wala namang issue.
Meron akong issue sa buhay ko, e, ‘yung sa kapatid ko, ‘di ba? Mas pagtutuunan ko ng pansin ‘yun.
B: Nag-propose na ba sa kanya si Patrick?
AM: Wala pang proposal pero darating din ‘yun.
B: Kapag niyaya ba siya ni Patrick pakasal papayag na siya?
AM: Oo naman. Kahit hindi pa siya nagpo-propose, yes na agad!
B: Gusto na ba niyang magka-baby?
AM: Oo, at sa tingin ko gusto na rin niya.
B: Ano ba mauuna, kasal o baby?
AM: Kahit ano, parehas lang ‘yun.
B: Ano gusto niyang baby, boy or girl?
AM: Hindi ko alam. Ay, siguro lalaki. Pero ano, hindi raw blooming kapag lalaki ang pinagbubuntis, e.
Hindi ano, okey na rin lalaki. Dapat panganay lalaki kasi mahirap maging panganay.
Dapat strong ‘yung personality ng babae kapag panganay ka.
I guess, lalaki na lang kasi mamaya mahina ‘yung loob ng magiging panganay na babae, hindi kasing strong ko.
B: May naisip na ba siyang pangalan ng baby?
AM: Hindi ko pa alam.
Babasahin ko pa lang ‘yung bigay ni Jessa na book, ‘yung ‘What to expect when you’re expecting?’
Saka ‘yung pregnancy diet, binabasa ko rin.
Nagpri-prepare na ako talaga.
B: Sa tingin ba niya mahirap siyang magbuntis?
AM: Hindi naman kaya lang ano, nagpapa-OB (Gyne) ako.
Nagpapa-check na rin ako kasi kailangan may mga vitamins ‘yan, e, para protektado ang baby.
B: Sa tantya niya, kakayanin pa rin ba niya magbuntis kahit 33 na siya?
AM: Oo, kasi malapad ang balakang ko, e. ‘Tsaka kasinagyo-yoga ako. Kahit buntis ako, I’ll do yoga pa rin naman, e.
B: Anong sabi ng OB-Gyne niya?
AM: Okey naman daw ako. Healthy and anytime pwede ako magbuntis.
B: Nag-file na si Patrick ng candidacy niya for his second term as Mayor ng Bulacan, Bulacan. Kung ikinampanya si Patrick noon ni Aiko, ganoon din ba ang gagawin niya?
AM: Hindi. Hindi kasi hindi naman siya nag-a-ask ng help, e.
Ayaw niyang may masabi ang tao na ginagamit niya ako.
Kumbaga, may sariling effort siya at hindi na kailangan ng suporta ng artista.
B: Nagkasama noon sa teleseryeng Reputasyon sina Aiko at ang kapatid niyang si Cristine. Diumano, naging close raw ang dalawang kaalitan ngayon ni Ara. True ba ito?
AM: Well, from what I heard they are close.
Ano’ng feeling ko? Wala. Ganoon talaga, e. Mari-realize niya rin ‘yan sa bandang huli.
Hindi mo alam kung ano ‘yung motive ng ibang tao sa ‘yo.
B: Feeling ba niya pinagtutulungan siya noong dalawa?
AM: Hindi naman. May sarili namang utak ‘yung kapatid ko, e. May sarili namang isyu sa buhay niya.
B: Kumusta na ang demanda niya kay Cristine?
AM: We’re waiting for the resolution kasi after nu’ng filing e, tapos inaantay pa ‘yung pagsagot nila, ‘yung appeal-appeal.
‘Yung lawyer ko tiyak tatawag sa amin. He will tell us kung kailan ang hearing.
Tuloy na ito dahil wala naman kaming nakikitang effort sa kanya para makipag-ayos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.