KZ nagwagi uli sa YFSF matapos gayahin si Abra | Bandera

KZ nagwagi uli sa YFSF matapos gayahin si Abra

Ervin Santiago - November 03, 2015 - 02:00 AM

kz tandingan

Si KZ Tandingan ang nanalo sa eight week ng Your Face Sounds Familiar matapos niyang ma-impress ang judges with her impersonation of Pinoy rapper Abra nitong weekend.

Ido-donate ni KZ ang kalahati ng napanalunang P100,000 sa kanyang chosen charity, ang Jesus Is Lord Mi-nistries International.Binigyan ng standing ovation ng kanyang mga kasamahan sa YFSF si KZ kasama na ang mga judge na sina Jed Madela at Sharon Cuneta.

“Wala akong masabi, KZ. Napakahirap ng kalagayan naming tatlo, pero I hope isa ito sa makakapag-angat ng ranking mo, kasi ang hirap ng ginawa mo. Pero parang kumportableng-kumportable ka lang. Eh bilib ako kay Abra eh.

I’m sure haping happy siya sa ginawa mo. That was so great, KZ, congratulations,” papuri ni Mega.
Sey naman ni Jed, “Sobrang bilib na bilib ako sa performance mo ngayong gabi. Wala akong nasulat.

Sobrang nakanganga lang ako, and then natapos ka, I just had to stand up and give you a round of applause.” Ayon naman kay Gary Valenciano, “Abra, ikaw ‘yung Kadabra. Abrakadabra.

Usually kapag binabanggit ng tao, ‘Abrakadabra,’ may mangyayari. Ito ‘yung nangyari nga-yon. Itong ginawa mo, hindi tungkol sa boses. Hindi naman siya kumanta eh, rap ang ginawa niya.

This was about attitude. But this was the first time na binigyan ka ng pagkakataon upang ipakita sa lahat na kayang-kaya mo. Excellent job.”

Ito ang second win ni KZ sa YFSF, nauna siyang nanalo sa weekly showdown nang gayahin niya ang international singer na si Jessie J.

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending