Marian ‘nagpabebe’ kay Dingdong sa kanilang monthsary
Ervin Santiago - Bandera November 02, 2015 - 02:00 AM
Sampung buwan nang kasal sina Marian Rivera at Dingdong Dantes kaya naman hindi nakalimot ang Kapuso Primetime Queen na batiin ang asawa noong nakaraang monthsary nila.
Sa kanyang Instagram account, isang nakapa-sweet na message ang ipinost ng Primetime Queen para kay Dingdong. Aniya, “Araw araw akong di makakalimot magpasalamat sa Panginoon na ikaw ang i-pinagkaloob nya sa akin upang maging aking kabiyak… Maligayang Anibersaryo Mahal ko.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending