Mga lihim ni Coco sa Ang Probinsiyano buking na | Bandera

Mga lihim ni Coco sa Ang Probinsiyano buking na

Ervin Santiago - November 01, 2015 - 02:00 AM

coco martin

Sumabog na noong Biyernes ang pinakamalupit na rebelasyon sa maaksyon at numero unong teleserye ng primetime na Ang Probinsyano.

Hindi na mapipigilan ang suspense at aksyon dahil ang pinakahihintay na rebelasyon sa tunay na pagkatao ni Cardo (Coco Martin) ay nabunyag na – na si Cardo pala ay nagpapanggap lamang bilang ang kambal niyang si Ador.

Malaman na rin kaya nila na patay na ang tunay na Ador? Paano mabubunyag ang lihim at ano ang magiging reaksyon ng mga makakaalam ng lihim?

Hindi na mapipigilan ang suspense at aksyon sa pinakamalupit na teleserye ng primetime, Ang Probinsyano, Lunes hanggang Biyernes sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Kasama rin dito sina Bela Padilla, Maja Salvador, Arjo Atayde, Jaime Fabregas, Susan Roces at marami pang iba, sa direksiyon ni Malu Sevilla.

Bukod sa Ang Probinsiyano, gagawa rin ng pelikula si Coco kasama si Angel Locsin under Star Cinema. Anyway, sinorpresa ng kanyang mga kasamahan sa Ang Probinsiyano si Coco sa nakaraan nilang taping. He’s turning 34 today.

Sa mga nakita naming litrato na kuha sa set ng kanyang serye, kalong pa niya ang bagong child wonder na si Simon “Onyok” Pineda na sikat na sikat na rin ngayon dahil sa role niya sa Ang Probinsiyano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending