Tatakbo ba si Duterte? | Bandera

Tatakbo ba si Duterte?

Ramon Tulfo - October 31, 2015 - 03:00 AM

BUKAS pa rin ang pintuan ng Partido Democratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) upang tumakbo si Davao City Mayor Rody Duterte sa pagkapangulo sa ilalim ng bandera ng partido.

Ito’y matapos ang pag-atras ni PDP-Laban presidential candidate Martin Diño ng kanyang kandidatura.
Si Diño kasi ay itinu-ring ng Commission on Elections (Comelec) na nuisance candidate o panggulo lamang.
Ang totoo niyan, mga mahal kong mambabasa, pinatakbo si Diño sa last minute noong deadline ng pag-file ng certificate of candidacy for president nang hindi sumipot si Duterte sa Comelec office sa Intramuros.
Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ang PDP-Laban, at maging ang milyon-milyong supporters ng Duterte, na tatakbo ang Davao City mayor.
May pag-asa pa raw, sabi ng PDP-Laban, na baka magbago siya ng pasya at tumakbo ng pagkapangulo sa halip na reelection bilang mayor ng Davao City.
Dec. 10 ang deadline for substitution of candidates by any political party. Kapag nagbago ng isip si Duterte, hahalinhan niya si Diño.
Hindi natin masisisi si Digong (isa pang palayaw ni Duterte) kung ayaw niyang tumakbo dahil malaki nga naman ang guguguling salapi sa national campaign, samantalang wala na siyang problema sa gastos sa Davao City .
Kahit na nga raw di na siya magkakampanya ay tiyak na panalo siya sa lungsod.

Pero matitiis ba ni Digong ang panawagan sa kanya ng taumbayan na siya’y tumakbo bilang Pangulo?

Si Digong lang ang makakalutas ng problema sa lumalaganap na krimen at droga.

Ni isa sa tatlong mga kandidato sa pagka-presidente—Vice President Jojo Binay, former Interior Secretary Mar Roxas at Sen. Grace Poe—ay walang idineklarang plano kung paano ang gagawin nila sa krimen at droga.

Ang krimen at droga ang pinakamalaking problema ng ating bansa.

Parang magkapatid ang krimen at droga. Karamihan sa mga malalagim na krimen na naganap ay ginawa ng mga taong bangag sa pinagbabawal na gamot.

Halos lahat ng barangay sa bansa—mga 93 percent—ay napasukan na ng mga drug pushers at drug traffickers.

Ang masakit pa nito, maraming pulis ay nagtutulak ng droga o nagbibigay ng proteksiyon.

Halos nagmamakaawa ang mga taong alam ang lalim ng problema sa droga at krimen na tumakbo si Digong.

Kung nalutas ni Digong ang problema sa droga at krimen sa Davao City , naniniwala ang sambayanan na malulutas din niya ang nasabing mga problema sa buong bansa.

Matitiis ba ni Digong ang panawagan ng taumbayan sa kanya na siya’y tumakbo sa pagka-presidente?

Kapag matitiis niya, ibig sabihin ay wala siyang pagmamahal sa bayan.

He would be committing an unpatriotic act because he knew that the country needed his help badly and yet abandoned it.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero kung kilala ko si Digong (dahil siya’y aking malapit na kaibigan), hindi niya magagawang pabayaan ang bansa na nangangailangan sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending