Dindi Gallardo nagbabalik-showbiz, gaganap bilang Mrs. Imelda Marcos
NAPAKAGANDA pa rin ng former beauty queen na si Dindi Gallardo. Nakachika ng entertainment press ang dating aktres sa press launch ng Cinema One Originals 2015 at dito nga niya naikuwento ang mga pinagkaabalahan niya habang wala sa mundo ng showbiz.
Kasali si Dindi sa isang entry ng Cinema One Originals filmfest na “Dahlin’ Nick” na pinagbibigahan ni Raymond Bagatsing sa direksiyon ni Sari Dalena.
“I’ve always wanted to work with Sari. It’s just a cameo role, the main thing here is really Nick Joaquin’s life story. Yeah, it’s a cameo role but it’s memorable,” pahayag ni Dindi na ang sexy-sexy pa rin hanggang nga-yon.
Si Dindi ang gaganap na Imelda Marcos (si Lance Raymond ang Ferdinand Marcos), aniya, tinanggap niya agad ang proyekto dahil bukod sa nais niyang umarte uli, nagandahan siya sa materyal.
“Sabi ng kumontak sa akin, ‘I need you for a role and it’s Imelda Marcos.’ Sabi ko, ‘Naku, Imelda Marcos. Why me?’ And they just said because they need someone to play like someone who shows grace under fire. At meron daw akong ganu’ng aura. So, sabi ko, ‘okey, let’s do it!’” sey pa ng dating beauty queen sa isang panayam.
Ano ang paghahanda niya sa kanyang role bilang Imelda Marcos? “I actually did some research kahit sandali lang yung role. It’s very important kasi when you’re building someone’s aura. I found this interesting person that owns this private library and it’s at The Fort, do’n ako nag-research,” sabi pa niya na umaming looking forward din sa paggawa ng teleserye in the future.
Ayon kay Dindi, sa mga nakasama niya noon sa pelikula, si Fernando Poe, Jr. daw ang pinakanami-miss niya. Nakasama niya si FPJ sa pelikulang “Ang Probinsyano”.
“I’ve got to work with a lot, pero ang nami-miss ko talaga is Tito Ronnie. I’ve worked with him sa Ang Probinsyano, one of his favorite projects,” aniya pa.
Ano naman ang masasabi niya kay Coco Martin na siyang bida sa TV version ng Ang Probinsiyano sa ABS-CBN? “He’s a great actor, I saw him also before in Walang Hanggan, I really got to watch it, I was in the States but I remember watching it. I’m also a CharDawn (Richard Gomez and Dawn Zulueta) fan kaya pinanood ko yon. Bagay na bagay kay Coco yung role ng Probinsiyano.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.