GMA umarkila ng chopper para di ma-late sSi Alden sa iba pang natanguang trabaho | Bandera

GMA umarkila ng chopper para di ma-late sSi Alden sa iba pang natanguang trabaho

Cristy Fermin - October 31, 2015 - 03:00 AM

ALDEN RICHARDS

ALDEN RICHARDS

BAGO mag-Pasko ay gusto sanang makalipat ni Alden Richards sa bagong bili niyang bahay sa Nuvali.

Sakop pa rin ng Sta. Rosa ang napili niyang lugar, kumabila lang siya ng SLEX mula sa dati nilang bahay, batang-Laguna talaga ang Pambansang Bae.

Kuwento ng isang source, “Masinop sa pera si Alden, hindi siya maluho, nasanay siya sa simpleng buhay. Kahit nu’ng hindi pa siya nag-aartista, simple lang si Alden, kaya mara-ming maligaya sa success niya ngayon.

“Ganyan talaga ang nangyayari sa mga artistang masipag at matiyaga. Mahabang panahon din ang hinintay ni Alden, pero look where he is now, bihirang-bihira lang ang tulad niya,” kuwento ng aming impormante.

Kaliwa’t kanan ang trabaho ngayon ng guwapong aktor, katawan na niya ang sumusuko sa magagandang alok sa kanya, mapagpahalaga si Alden sa kanyang kalusugan.

“Naalala n’yo nu’ng Tamang Panahon? Sino’ng mag-aakala na after that, e, may dalawa pang personal appearance si Alden para sa launching ng album niya?

“Para walang trabahong mabitin, e, umarkila na ng chopper ang GMA 7, inilipad na siya mula sa Philippine Arena hanggang sa dalawa pa niyang pupuntahan, ganu’n na ka-hectic ngayon ang schedule niya.

“Pero wala kang maririnig na reklamo sa kanya, he loves what he’s doing, ito ang passion niya talaga. Gusto niyang ibalik ang kaligayahan sa mga fans niya at sa mga kababayan nating sumusuporta sa kanya.

“Wala siyang ere, walang kaangas-angas, maganda ang breeding ni Alden Richards, sa totoo lang,” papuri pa ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending