Pokwang nakunan dahil sa pasaway na kapitbahay; nagreklamo sa barangay | Bandera

Pokwang nakunan dahil sa pasaway na kapitbahay; nagreklamo sa barangay

Julie Bonifacio |October 31,2015
facebook
share this

Pokwang nakunan dahil sa pasaway na kapitbahay; nagreklamo sa barangay

Julie Bonifacio - October 31, 2015 - 03:00 AM

LEE O'BRIEN AT POKWANG

LEE O’BRIEN AT POKWANG

NILINAW ni Pokwang ang nababalitang alitan nila ng kanyang kapitbahay sa amin over the phone.

Diumano, idinemanda ito ni Pokwang dahil sa pag-iiskandalo sa kanilang subdivision.

Reklamo ng kapitbahay ng komedyana, yumabang na raw kasi si Pokwang.

“Bagong kapitbahay lang namin sila, mag-partner pero hindi pa kasal. ‘Yung babae nagtatrabaho sa ibang bansa, ‘yung lalaki ang nandiyan sa bahay. Tapos may kasama siya na isa pang lalaki, tatay noong babae,” ani Pokwang.

Mismong sa tapat ng bahay ni Pokwang ang biniling property ng magkasintahan, “E, sa subdivision kasi namin madalas kapag may nagti-tripping na mga ahente, laging itinuturo ‘tong bahay namin. ‘Yan ang bahay ni Pokwang,’ ganyan. Laging ‘yung bahay ko ang pinapang-ano nila sa mga kliyente nila.

Siyempre alam na natin kung bakit,” sambit pa niya.

To cut the story short, hindi ma-take ni Pokwang ang mga ginawa ng kanyang kapitbahay lalo na ang sobra nitong paggawa ng ingay at paglabag sa rules and regulations ng subdibisyon.

“Unang-una, kaya nga ako bumili ng pagkamahal-mahal na bahay sa lugar na ‘yun dahil sa view. Tapos makikita mo ganyan, may nakaparadang jeep na ginawa ng garahe. At ang ingay-ingay pa nila. Tapos kung sinu-sino pa ‘yung mga lalaking dumara-ting doon, kaloka!” sabi ni Pokwang.

Ang ipinag-aalala pa ni Pokie ay ang kanyang anak na dalaga, “What if may mangyaring hindi maganda sa anak ko at sa iba pang kasama ko sa bahay since hindi namin kilala kung sinu-sino ‘yung mga dumarating na lalaki roon?

“E, madalas pa naman nasa trabaho ako. Paano kung may mangyari sa kanila? Sa panahon ngayon, napakadelikado? Although, may security guard din kami. Pero hindi natin masabi, ‘di ba?” sabi pa ng komedyana.

Halos araw-araw ay ganoon ang nangyayari kaya hindi makatulog at makapagpahinga ng maayos si Pokwang. Dahil dito, napilitan na siyang maghain ng reklamo sa homeowner’s association sa kanilang subdivision.

Nangakong susunod ang kapitbahay ni Pokwang sa rules and regulations ng subdivision. Pero makalipas lang ng ilang araw, balik pa rin ang mga ito sa dati.

“Kaya hindi totoo ‘yung sinasabi nila na idiniretso ko sa korte ang reklamo ko sa kanila. Na ang yabang ko na raw dahil nagdemanda agad ako? Dinaan ko sa asosasyon namin, sa barangay namin. Pero ganoon pa rin, ‘di pa rin tumigil. Kaya kumunsulta na ako sa abogado ko.”

Pero hindi raw niya idinemanda ang kanyang kapitbahay, “Gumawa ng sulat ang abogado ko at ibinigay sa kanila. Parang warning lang naman ‘yun. Hindi pa kami umaabot sa korte.”

Inamin naman ni Pokwang na feeling niya isa sa mga nagbigay stress sa kanyang pagbubuntis ay ang pinagdadaanan niya sa kanyang kapitbahay, “Oo, kasi that time, pagod ka, walang tulog, e, hindi ko naman pa alam na buntis ako. Tapos gusto kong magpahinga pero hindi ko magawa dahil sa sobrang ingay!”

May malaking iskandalo rin daw na ginawa ang kanyang kapatibahay, “Pagkatapos kong maospital, dahil sa miscarriage ko, nagpamisa si Kris Aquino sa bahay namin. So, heto na, habang nagmimisa, ‘yung biyenang-hilaw ng kapitbahay ko nagsisigaw doon sa labas ng bahay nila, lasing!”

Kung anu-ano raw ang sinabing masasama laban sa kanya, “Syempre, naririnig din ni Kris ‘yun. Nakikita ko si Kris habang nagmimisa, napapapikit na lang ng madiin sabay dasal. O, hindi ba nakakahiya ‘yun? At ipinahiya pa nila ako sa mga bisita ako, ‘di ba?”

Sinubukan daw lapitan ng security guard ni Pokwang ‘yung lalaki para pakiusapan na tumigil at nagmimisa sa loob. Ang ginawa, lalo pang nagwala, tuloy pa rin sa pagsigaw. Hindi pa rin siya tumigil. Kaya ‘yung PSG (Presidential Security Group) na ni Kris ang lumapit sa kanya. At doon lang siya tumigil.”

Pagkatapos matanggap ang sulat mula sa abogado ni Pokwang ay tumigil na ang ingay sa kanyang kapitbahay, “Ako na ang naperwisyo nila, ako pa ang gusto nilang palabasin na masama. At hindi totoo ang mga sinasabi nila,” buntong-hininga ni Pokwang.

Sa kabila nito, thankful si Pokwang sa kanyang pamilya at katrabaho sa showbiz na sumuporta sa kanya noong magkaroon siya ng miscarriage.

“Kaya ako naiyak kasi habang sinu-shoot namin ang ‘Wang Fam’ sobrang laki ng adjustments ang binigay ng Viva at Direk Wenn (Deramas) nu’ng nangyayari sa akin ‘yun. Kaya sabi ko, kahit ganoon ang pinagdaanan ko, blessed pa rin ako kasi ang daming taong nagmahal sa akin, sumuporta at nakaunawa.”
Next time raw na magka-baby sila ng Amerikanong boyfriend niya na si Lee O’Brien talagang super iingatan na niya, “Bed rest ng mga five years. Chos! Ha-hahaha!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nasa US si Lee pero babalik next month. Dito raw sa Pinas magse-celebrate ng Thanksgiving day ang kanyang boyfriend. Pero hindi na makakasama ni Pokwang si Lee sa premiere night ng “Wang Fam” movie niya with Benjie Paras, Wendell Ramos, Andrei Paras, Yassi Pressman at Atak na ipapalabas na sa Nov 18.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending