3 magkakaibigan patay sa baril, granada | Bandera

3 magkakaibigan patay sa baril, granada

- October 29, 2015 - 05:48 PM

malungot
Patay ang tatlong magkakaibigan sa magkakasunod na pamamaril at pagsabog ng granada sa Malungon, Sarangani, iniulat ng pulisya kahapon.

Patay sa pamamaril si Lito Landawe, habang ang ang mga kaibigan niyang sina Jomar Sinaya at Zosimo Cahilig ay nagpatayan sa pamamagitan ng pagbaril at pagpapasabog ng granada sa isa’t isa, ayon sa ulat ng Malungon Police.

Naganap ang unang insidente dakong alas-2 ng umaga Martes, sa bahay ng isang Kait Beoy sa Sitio Beoy, Brgy. Malabod.

Lumabas sa imbestigasyon na pinagbabaril hanggang sa mapatay ni Beoy si Landawe dahil nanggulo ang huli sa gitna ng inuman sa bahay ng una.

Matapos barilin ni Beoy si Landawe, nagtungo sina Sinaya at Cahilig sa Brgy. Malabod para humingi ng saklolo, ngunit nagtalo habang naglalakad.

Sinisi umano ni Sinaya si Zosimo para sa mabilis nitong pag-iwan kay Landawe.

Kaya nang marating ng dalawa ang Malabod proper dakong alas-2:30, binaril at nasugatan ni Sinaya si Zosimo.

Sa kabila naman ng pinsalang tinamo, bumunot si Zosimo ng granada at ipinukol kay Sinaya na malapit lang sa kanya, kaya sila kapwa namatay sa pagsabog, ayon sa ulat.

– end –

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending