NCAA crown asinta ngayon ng Letran Knights | Bandera

NCAA crown asinta ngayon ng Letran Knights

Mike Lee - October 27, 2015 - 01:00 AM

letran

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. Arellano vs San Beda (juniors finals)
4 p.m. Letran vs San Beda (seniors finals)

WAKASAN ang 10 taong pagkauhaw sa titulo ang nais ng Letran sa pagharap uli sa San Beda sa Game Two ng 91st NCAA men’s basketball ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa ganap na alas-4 ng hapon itinakda ang pagtutuos at sasandalan ng Knights ang 94-90 panalo sa Red Lions sa Game One noong Biyernes.

“Hindi kami puwedeng mag-celebrate dahil hindi pa tapos ang series. Walang saysay ang panalong ito kung hindi kami mananalo sa susunod na laro,” wika ni Letran coach Aldin Ayo.

Taong 2005 pa huling nagkampeon ang Knights at noong 2012 at 2013 ay nasa Finals din sila pero tinalo ng San Beda para maisama sa limang dikit na titulo na hawak ng koponan.

“Ang maganda sa series ay puwede ka pang bumangon hanggang hindi pa nakakadalawang panalo ang kalaban. We just have to play smarter,” wika naman ni first year Red Lions coach Jamike Jarin.

Ang mga nasa huling taon ng paglalaro na sina Mark Cruz at Kevin Racal ang mangunguna uli sa Knights pero hindi papahuli ang ibang kasapi tulad nina Rey Nambatac, McJour Luib, JP Calvo at Jomari Sollano na gustong maging bahagi sa makasaysayang koponan ng Letran.

Si Racal, na gumawa ng career-high 28 puntos sa Game One, ang nagsabi na gagawin nila ang lahat ng makakaya ni Cruz para lisanin ang liga bitbit ang titulo.

Hindi naman papayag ng ganoon na lamang ang mga kamador ng San Beda sa pangunguna nina Baser Amer at Arthur dela Cruz na nagsanib lamang sa 15 puntos.

Sinalo ni Jarin ang ilang batikos na tinanggap ng dalawang beterano sa inilaro sa paghahayag na mahaba na ang season at napapagod din ang mga ito matapos gabayan ang koponan sa unang puwesto papasok sa finals.

Pero alam niyang babawi ang dalawa habang magpapatuloy ang magandang ipinakikita ni Ola Adeogun at ang mga bench players para mapaabot sa Game Three ang serye.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bago ito ay magtutuos muna ang San Beda at Arellano sa ganap na alas-2 ng hapon para sa juniors title.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Red Cubs para makumpleto ng 20-game sweep at mapalawig ang makasaysayang kampanya sa ikapitong dikit na kampeonato.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending