ANG pagbunyag ng tinanggal na ministro ng Iglesia ni Cristo (INC) na si Lowell Menorca II na balak siyang ipapatay ng Sanggunian ng simbahan ay maaaring totoo.
Ang Sanggunian ang pinakamataas na administrative council ng maimpluwensiyang INC.
Ibinunyag ni Menorca ang tangka sa kanyang buhay sa isang press confe-rence.
Umiiyak si Menorca , at maging ang kanyang maybahay, habang sinalasaysay niya ang hindi nagtagumpay na planong patayin siya.
Pinaghihinalaan kasi si Menorca na siya ang nasa likod ng pagbatikos sa mga katiwalian ng ilang miyembro ng Sanggunian sa mga blog.
Sinabi niyang siya ay inaresto sa kanyang kapilya sa Bulan, Sorsogon at dinala sa Dasmarinas, Cavite kung saan siya ay ikinulong.
On the way to Cavite from Sorsogon, may nangyaring kahindik-hindik.
Nilabas daw siya sa coaster ng kanyang mga dumukot sa kanya at isinakay sa kotse.
Nakaposas siya sa loob, isinara ang kotse.
Hinagisan daw ang loob ng kotse ng granada .
Sa kabutihang palad, hindi pumutok ang granada .
Pero isang pulis ang papatay sana sa kanya.
Napakiusapan niya ang pulis na huwag siyang patayin dahil siya’y mi-nistro ng INC at may asawa at isang anak.
Ang salaysay ni Menorca ay walang patid at detalyado.
“Please don’t kill me. Maawa ka sa akin, sir. Ang katunayan po ay ministro ako ng Iglesia ni Cristo at may asawa po ako at isang anak,” salaysay ni Menorca.
Dagdag pa ni Menorca sa kanyang salaysay, “I am not a bad person. Huwag n’yo po sana hayaan na lumaki ang anak ko na walang ama.”
Ibig sabihin, pinasa-salvage si Menorca ng Sanggunian!
Anong klaseng mga tauhan ng Diyos (men of God) na walang awang magpapatay ng kapwa nila ministro ng INC?
Kahit na gaano kalaki man kasalanan ni Menorca sa simbahan, wala silang karapatan sa mata ng Diyos at sa batas na ipapatay ang isang ministro.
Pero teka, kasalanan ba ang ibunyag ang katiwalian sa INC, kung totoo man ang kanilang hinala na si Menorca ang nagpakalat ng kanilang katiwalian sa Internet?
Sila ba’y mga alagad ng Diyos o kampon ni Satanas?
***
Nang maawa ang pulis na papatay sana sa kanya, dinala na lang siya sa Dasmarinas kung saan ikinulong si Menorca .
Sa kabutihang palad ay nakalaya siya kaya’t ibinunyag niya ang nabigong planong pag-salvage sa kanya.
Huwag sanang hayaan ng mga awtoridad na mabale-wala ang salaysay ni Menorca .
Kailangang magdusa ang mga pulis na dumukot sa kanya at mga miyembro ng Sanggunian na nag-utos na siya’y ipapatay.
***
Lubhang mababaw ang kasong illegal possession of explosives at grave threats laban kay Menorca .
Sinasabi sa charge sheet laban kay Menorca na tinakot niya ang dalawang construction workers na nakaaway niya ng granada .
Bakit naman siya magkakaroon ng granada samantalang si Menorca ay isang ministro.
At bakit niya naman tatakutin ang dalawang construction workers na maaaring miyembro pa ng kanyang simbahan sa Bulan?
Sinabi ni Menorca na ang granadang iprinisinta laban sa kanya ay mismong granada na hindi pumutok.
***
Parang may katotohanan ang balita na kaya lumabas si Ely Soriano, punong ministro ng Dating Daan, sa bansa ay dahil natatakot siyang ipapatay siya ng INC.
Si Soriano ay dating ministro ng INC at tumiwalag o itiniwalag dahil siya’y lumabag sa mga kautusan ng INC.
Itinatag ni Soriano ang Dating Daan at binabatikos niya ang INC sa kanyang mga followers.
Ang balita ay may grupo sa loob ng INC na nag-utos na ipapatay si Ely Soriano.
Si Soriano ay nagpapalipat-lipat sa iba’t ibang lugar sa US at Canada .
His live religious broadcasts are made abroad and beamed to his followers in the Philippines .
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.