Kailan magkaka-boyfriend? (2)
Sulat mula kay Camile ng Saguin, Makilala, North Catabato
Problema:
1. Bakit kaya ganon, sa edad kong 29 hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend, siguro totoo nga ang sinasabi ng mga kaibigan ko kahit may itsura naman daw ako mahina daw ang sex appeal ko kaya bihira lang ang sa akin ang may nanliligaw.
2. Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil gusto kong malaman kung kailan kaya ako magkaka-boyfriend at sino ang una at huling magiging boyfriend ko? Sana ay matulungan nyo ako kung kailan ako magkakaboyfriend, dahil sa larangan ng pag-ibig may karapatan din naman akong lumigaya at ayaw kong tumandang dalaga habang buhay. October 6, 1986 ang birthday ko.
Umaasa,
Camile ng North Cotabato
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aquarius ang magiging boyfriend mo at sa bandang huli ay tuluyan na ring mapapangasawa.
Numerology:
Ang birth date mong 6 ay nagsasabing isang lala-king isinilang sa petsa 18 o kaya’y 27 ang darating sa iyong buhay sa susunod na taong 2016, kung saan, ang lalaking ito ang una at huli mong magiging boyfriend.
Physiognomy:
Ang cute na hugis o maliit na tabas ng iyong mukha ay nagsasabing isang lalaking medyo pahaba ang hugis ng mukha ang iyong magiging boyfriend at tuluyan na ring mapapangasawa.
Huling payo at paalala:
Camile ayon sa iyong kapalaran walang kaduda-duda hindi ka tatandang dalaga at siguradong makapag-aasawa ka, at ito ay nakatakdang maganap sa susunod na taong 2016, sa edad mong 30 pataas, sa ganitong panahon ding malapit na ang Pasko, isang lalaking nagtataglay ng initial na J.S. ang darating. Siya, ang magiging first and last boyfriend mo, upang pagsapit ng taong 2017, sa edad mong 31 pataas, ipapasya nyo nang magpakasal hanggang sa tuluyang makabuo ng isang maligaya at pang habang buhay ng pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.