KRIS type ng mga muslim, ‘PEACE TALKS’ queen na raw | Bandera

KRIS type ng mga muslim, ‘PEACE TALKS’ queen na raw

- October 21, 2012 - 04:58 PM

NAGTATAKA ang mga taga-Star Cinema kung bakit may isyung muling umatras si Kris Aquino sa pelikulang “Sisteraka” na pagsasamahan nila nina Vice Ganda at Ai Ai delas Alas para sa 2012 Metro Manila Film Festival.

Umurong noon ang TV host-actress sa nasabing pelikula at si Ai Ai nga ang naging kapalit, pero dahil mate-technical ang Star Cinema sa regulasyon ng MMFF kaya nagdesisyon si Kris na ituloy na ang proyekto.

Pero nitong huli ay may kumalat nga na umatras ulit ang Queen of all Media dahil hindi raw talaga kaya ng schedule niya ang shooting ng “Sisteraka”.

Ayon sa nakausap naming taga-Star Cinema, “Tuloy siya, Reggs.

Wala namang pinag-uusapan sa office na hindi na.”

Sinubukan din naming tanungin si Kris tungkol dito, at ito ang naging tugon niya sa text, “I’m shooting on Tuesday (Oct. 23), Reggs.”

Hayan, maliwanag na bossing Ervin, tuloy na tuloy na si Tetay sa MMFF entry ng Star Cinema kaya kung sinuman ang nagpapakalat na hindi na naman siya ka-join sa movie, e, mali ang impormasyon niya.

Samantala, positibo ang pagdalo ni Kris sa nakaraang Moro Islamic Liberation Front peace talk signing dahil naglunsad ang mga peace advocate sa Mindanao ng information drive tungkol sa framework agreement ng gobyerno para maging epektibo sa information campaign sa pamamagitan ng TV host.

Marami ang naniniwala na malaki ang magagawa ni Kris sa pagpapatuloy ng peace talk sa pagitan ng gobyerno at ng MILF. May nagbiro pa nga na pwede na rin siyang tawaging peace talks queen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending