Vice sumuko na: Hindi talaga namin matatalo ang Eat Bulaga! | Bandera

Vice sumuko na: Hindi talaga namin matatalo ang Eat Bulaga!

Alex Brosas - October 26, 2015 - 02:00 AM

vice ganda

WITH humility, inamin ni Vice Ganda na talo na sila talaga ng Eat Bulaga. Unang sabi ni Vice, kahit medyo may sakit siya ay masaya pa rin siya noong Saturday.

“Ang saya-saya ko kasi ang tweet ko nga kaninang umaga ano, ‘This is a day to be very grateful.’ Sobrang grateful ko ngayong araw na ito kasi anim na taon, hindi biro ‘yon, ha. Sa bilis ng pagpapalit ng panahon, sa bilis ng gusto ng mga tao, sa bilis ng tiwala ng mga tao, ibang klase ‘yung six years.

“At ang laki-laki ng nagbago sa paligid ko, ang laki ng nagbago sa mundong ginagalawan ko, ang laki-laki ng nagbago sa buhay ko. At ano man ang mangyari, wala akong nararamdamang sama ng loob, galit, lungkot, ngitngit, puro tuwa lang at pagpapasalamat kasi ang laking blessing talaga nitong Showtime hindi lang sa akin, kundi sa inyong lahat, lalo na ‘yung nakatutok pa din sa atin hanggang ngayon,” mahabang aria ni Vice last Saturday.

Itsinika nitong may resistance siya at iba pang hosts noong ga-win silang noontime. “Nu’ng ginawa nga tayong noontime, parang sabi kong ganu’n kila ano, sa mga boss natin, ‘Okay ba sa inyo na gaga-win kayong noontime? ‘Hindi po.

Okay na kami sa morning show. Lahat kami, di ba, lahat tayo nagkaisa na ayaw namin ng noontime, gusto namin morning show lang, ganyan-ganyan.

“Sabi ng boss namin, ‘Bakit?’ Kasi naman po lalagay ninyo kami sa noontime, di naman namin kayang talunin ang Eat Bulaga.’ Di ba? Kahit pagsama-samahin namin ang powers namin dito at magtitiwarik ho ako dito, di ho namin kayang talunin ang Eat Bulaga.

“Pero sabi ng boss namin, ‘Sino ba ang nagsabi sa inyo na tatalunin niyo ang Eat Bulaga? Hindi naman namin kayo lalagay sa noontime para talunin ang Eat Bulaga. Sasamahan niyo lang sila sa pagpapasaya ng tao.’

“Kaya magmula ng araw na ‘yun na inilagay kami sa noontime, hanggang ngayon, wala kaming nararamdamang ano kasi wala naman kaming intensiyong makipagtalo at makipag-away. Sa simula pa lang po, talo po kami.

Itinataas po namin ang bandera nila dahil sila ay aming mga idolo at mga modelo. Wala ka-ming…hindi namin matatalo ‘yan,” mahabang paliwanag ni Vice.

With that ay marami ang pumuri kay Vice. Sa mga bashers na nagsasabing sumuko na sila, ito ang sagot ni Vice, “Paano ang gagawin namin? Porke hindi kami masyadong nagre-rate, eh, hindi na kami papasok? Eh, paano naman ‘yung mga tao na pumunta sa studio.

Paano naman ho ang iilan naming fans na nag-aabang sa amin.” “‘Wag ho kayong mag-away-away sa social media. Ang dami ko nang kilala na nabawasan ang mga friends sa Facebook dahil nakikipag-away.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi n’yo ho kailangang makipag-away sa mga tao kung sinong number one na show dahil kami pong mga hosts ng Showtime at Eat Bulaga ay hindi magkakaaway sa totoong buhay.”

So there.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending