Mga DJ ng Barangay LS may mga bagong pasabog
MAGSASAMA-SAMA ang buong sambayanan sa isang barangay at isang tunog sa pamamagitan ng simultaneous airing ng mga pangunahing programa ng Barangay LS 97.1 sa Luzon, Visayas at Mindanao na nagsimula na ngayong Oktubre.
Ang mga programa ng Barangay LS sa Maynila ay mapakikinggan na rin sa RGMA FM stations sa Cebu, Davao, Bacolod, Baguio, Cagayan De Oro, Dagupan, General Santos, Iloilo, Kalibo, Legazpi, Lucena, Naga, Palawan at Tuguegarao.
“On Barangay LS, we are all about providing ‘crazy fun’ to a diverse listenership,” pahayag ni RGMA Vice President for O-perations, Glenn Allona.
Magiging mas interactive at nakakaaliw ang pakikinig dahil sa simulcast ng mga key programs tampok ang mga DJ mula sa Mega Manila at mga regional station na makikipag-ugnayan hindi lamang sa isa’t isa ngunit maging sa mga tagapakinig sa iba’t ibang sulok ng bansa.
May pag-asa ang mga naghahanap ng pag-ibig sa programang Wanted Sweetheart kasama si Papa Dan na magsisilbing matchmaker ng mga callers. Sasamahan siya sa huling oras ng programa ng mga DJ mula sa iba’t ibang regional station upang mag-match ng isang caller mula sa Luzon sa isa pang caller mula sa Visayas or Mindanao.
Abangan ito mula 9 p.m. hanggang 12 midnight, Lunes hanggang Biyernes. Mga kuwento ng pag-ibig at pag-asa mula sa tunay na buhay ng mga tagapakinig ang ibabahagi ni Papa Dudut sa Barangay Love Stories na maririnig mula 12 noon – 3 p.m. tuwing Linggo.
Magiging mas masaya ang umaga kasama sina Papa Jepoy, Papa Buboy at Mama Cy sa Potpot & Friends sa kanilang pagtawag sa mga tindahan o opisina para makipagkulitan sa mga tagapakinig.
Sa huling bahagi ng programa ay makakasama ni Papa Jepoy ang mga local DJ mula sa katuwang na regional programs mula sa Luzon, Visayas at Mindanao. Maririnig ito mula 6 – 9 a.m., Lunes hanggang Biyernes.
Samantala, bibida naman ang mga tagapakinig sa Bida sa Barangay ni Papa Carlo sa Maynila, kung saan maaaring magbahagi ng mga personal na kuwento at mag-request ng kanilang paboritong kanta ang mga listeners, 7 – 9 p.m., Lunes hanggang Biyernes.
Ang mga Barangay FM radio stations sa buong bansa ay binubuo ng Barangay LS 97.1 Mega Manila, Barangay RT 99.5 Cebu, Barangay 103.5 Davao, Barangay 107.1 Bacolod, Barangay 92.7 Baguio, Barangay 100.7 Cagayan De Oro, Barangay 93.5 Dagupan, Barangay 102.3 General Santos, Barangay 93.5 Iloilo, Barangay 92.9 Kalibo, Barangay 96.3 Legazpi, Barangay 91.1 Lucena, Barangay 101.5 Naga, Barangay 97.5 Palawan at Barangay 89.3 Tuguegarao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.