Eat Bulaga hindi kayang tibagin ng 'It's Showtime' - Vice Ganda | Bandera

Eat Bulaga hindi kayang tibagin ng ‘It’s Showtime’ – Vice Ganda

- October 25, 2015 - 04:48 PM

TANGGAP na ni Vice Ganda na hindi kayang tibagin ng It’s Showtime ang Eat Bulaga.

“We can’t beat ‘Eat Bulaga’, but we’ll still be here [to continue making] people happy,” pahayag ni Vice Ganda sa programa nitong It’s Showtime noong Sabado, habang kasabay na iniere sa telebisyon ang Eat Bulaga na nagpi-feature ng Kalyeseryeng “AlDub”.

Tinaob ng “Tamang Panahon” event  ang maraming record sa entertainment history.  Ito ay nang umapaw sa tao ang 55,000-seater na Philippine Arena ang sinasabing pinakamaraming dumalo at nanood sa variety show para sa noontime slot.

Bukod dito, natibag din ng “kalyeserye” ang twitter record ng Fifa World Cup nang umabot sa 40 milyong tweets ang hashtag na “AlDubEBTamangPanahon”.

Sakabila ng pag-amin ni Vice Ganda na di kayang matibag ng kanilang programa ang Eat Bulaga, nagpasalamat naman ang host dahil narating na ng “It’s Showtime” ang ika-anim na taon.

“We told our bosses we don’t want to be on the noontime slot. We can’t beat ‘Eat Bulaga.’ Even if we put our powers together, even if I make cartwheels in front of the camera, we can’t,” ayon kay Vice Ganda.

Tiniyak naman anya sa kanila ng ABS-CBN na itatapat ang “It’s Showtime” sa Eat Bulaga para talunin ito kundi para sabayan sila sa pagpapasaya sa mga tao.

“Samahan nyo lang sila sa pagpapasaya,” dagdag pa ni Vice Ganda.

Pinayuhan din ng host ang mga fans ng dalawang programa na wag mag-away-away sa social media dahil magkakaibigan naman ang mga hosts ng Eat Bulaga at It’s Showtime.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending