Ikalimang sunod na panalo asinta ng Cignal kontra RC Cola | Bandera

Ikalimang sunod na panalo asinta ng Cignal kontra RC Cola

Mike Lee - October 25, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(Cuneta Astrodome)
1:15 p.m. RC Cola-Air Force vs Cignal
3:15 p.m. Philips Gold vs Foton
Team Standings: Cignal (4-0); Philips Gold (3-1); Petron (3-2); Foton (1-2); RC Cola-Air Force (1-2); Meralco (0-5)

SISIKAPIN ng Cignal ang mapanatiling malinis ang kanilang karta sa pagbangga sa RC Cola-Air Force sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix women’s volleyball ngayon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ang laro ay magsisimula sa ganap na ala-1:15 ng hapon at ikalimang sunod na panalo para walisin ang first round elimination ang target ng HD Lady Spikers.

Galing ang koponan mula sa 25-20,25-19, 16-25, 25-23 panalo sa Foton noong Huwebes at nagpatuloy ang dominanteng paglalaro ni Ariel Usher sa pinakawalang 29 puntos.

Inaasahang ang 6-foot-1 spiker ang muling magdadala sa Cignal para pagtibayin ang paghahabol ng upuan sa semifinals sa ligang inorganisa ng SportsCore na handog ng Asics at Milo bukod sa ayuda ng Mikasa, Senoh at Mueller at napapanood sa TV5.

Ikaapat na dikit na panalo naman ang hanap ng Philips Gold sa pagsukat sa galing ng Tornadoes dakong alas-3:15 ng hapon.

Nakitaan ng tibay ng dibdib sina Alexis Olgard, Bojana Todorovic at Myla Pablo sa tinapos na 27, 25 at 17 puntos upang makaahon ang Lady Slammers mula sa 0-2 iskor tungo sa 23-25, 20-25, 25-21, 25-21, 15-8 tagumpay.

Kailangang hindi mawala ang matikas na laro ng tatlong ito dahil determinado ang Tornadoes na bumangon mula sa magkasunod na pagkatalo sa pagtutulungan nina Lindsay Stalzer, Kathleen Messing at Jaja Santiago.

Sakaling manalo ang Foton ay bababa ang Philips Gold para saluhan ang pahingang nagdedepensang kampeon Petron sa 3-2 baraha.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending