FEU Tamaraws pasok sa Final Four | Bandera

FEU Tamaraws pasok sa Final Four

Mike Lee - October 25, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
2 p.m.  Ateneo vs NU
4 p.m. UP vs UST
Team Standings: *FEU (9-1); xUST (8-2); Ateneo (6-4); La Salle (5-5); NU (4-6); UP (3-6); UE (3-7); Adamson (2-9)
* – Final Four
x- playoff Final Four

HINDI nagpabaya ang Far Eastern University upang maging kauna-unahang koponan sa 78th UAAP men’s basketball na nasa Final Four sa 71-67 panalo laban sa University of the East kagabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Nagpakawala ng triple si Roger Pogoy bago binutata si Paul Varilla sa sumunod na play na nagpatunay sa matibay na opensa at depensa sa huling yugto tungo sa 9-1 baraha.

Nagdomina ang Red Warriors sa unang mga tagpo at angat pa sila sa 65-62 nang pakawalan ng Tamaraws ang 7-0 bomba na tinapos ng tres ni Pogoy.

May 12 puntos si Pogoy bukod sa walong rebounds, tatlong assists at dalawang blocks habang si Mark Belo ay may 16 puntos at si Alejandro Inigo ay naghatid pa ng 11 puntos.

Si Edison Batiller ay mayroong 13 puntos at sina Varilla at Edgar Charcos ay naghati sa 10 puntos para sa Red Warriors na nanlamig sa huling yugto sa kinanang 12 puntos lamang para bumaba sa 3-7 baraha.

Sinorpresa naman ng Adamson University ang De La Salle University sa 75-74 panalo sa unang laro.

Ito lamang ang ikalawang panalo ng Falcons matapos ang 11 laro at una sa Green Archers magmula noong 2011 at nagawa nila ito nang naisalpak ni Pape Sarr ang dalawang free throws sa huling 15 segundo para kunin ang 75-73 kalamangan.

Ang Archers ay lumamang hanggang 16 puntos, 59-43, pero ang nagbabalik mula sa isang larong suspension na si Joseph Nalos ay may 12 sa kanyang 20 puntos sa huling yugto para makabangon ang Falcons.

May 23 puntos si Paolo Rivero at nagkaroon ng pagkakataon na itabla ang laro matapos ma-foul ni Cristian Garcia.

Pero ang unang buslo lamang ang kanyang naipasok habang ang huling attempt ni Andrei Caracut ay sablay para lasapin ng Archers ang ikalimang kabiguan matapos ang 10 laro.

Si Sarr ay mayroong 14 rebounds pero outrebounded ang Adamson ng La Salle, 42-52.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero ramdam ng Archers ang pagkakaroon lamang ng 34.2% shotinng (26-of-76)  at may 22 errors  para maiwan ng Ateneo na solo sa ikatlong puwesto sa 6-4 marka.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending