‘Show The Love’ ng Showtime para sa Lando victims tuloy pa rin
Inilunsad sa It’s Showtime noong Miyerkules ang bagong kampanya ng ABS-CBN na “Show the Love” na naglalayong makalikom ng donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Lando.
Hango sa tradisyon ng It’s Showtime, magpapasikat ang iba’t ibang Kapamilya stars sa iba’t ibang lugar at mangongolekta ng anumang halaga na ilalagay sa mga coin bottles.
Nauna nang nagpasikat ang mga host ng Kapamilya noontime show nitong Martes na nag-alay ng awitin sa guests ng Historia Bar sa Q.C..
“Simula pa lang yan dahil hindi lang po It’s Showtime ang magpapasikat for a cause. Kaisa namin ang lahat ng Kapamilya stars in showing our love for our Kapamilyas na sinalanta ng bagyong Lando,” sabi ng Showtime host na si Billy Crawford.
“Ang mga donasyong malilikom sa ‘Show the Love’ campaign ay ipauubaya sa Sagip Kapamilya upang magamit sa relief operations at rehabilitasyon ng mga bayang napinsala.
Bagong pag-asa at isang masayang kapaskuhan ang maibibigay ng kahit na anumang halaga na maibabahagi ng mga tao para sa muling pagsisimula ng mga Lando survivors,” ani Karylle.
Noong Miyerkules, sabay pa rin sa “Show the Love” campaign ay lumibot sa ABS-CBN ang ilan sa mga former PBB housemates na sina Joshua Garcia, Loisa Andalio, Fourth and Fifth Solomon, Kenzo Gutierrez at Kamille Filoteo upang humingi ng boluntaryong donasyon.
Para sa mga nais magpadala ng tulong gaya ng bigas, noodles, at de lata na maaaring ipadala ang mga ito sa Sagip Kapamilya office sa #13 Examiner St. West Triangle, Quezon City, mula 8 a.m. hanggang 8 p.m.. For other details, tumawag sa Sagip Kapamilya hotlines: 411-4995/412-1459.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.