Maternity benefits sa SSS | Bandera

Maternity benefits sa SSS

Liza Soriano - October 24, 2015 - 03:00 AM

Magandang araw po. Ako ay isang empleyado ng factory. Kakakasal pa lang po namin ng asawa ko noong June 2015.

Sa ngayon po ay 2 months na akong buntis. ano po bang benepisyo ang maaari kong matanggap bilang isang empleyado mula sa SSS? Ano po ang dapat kong gawin para makuha ang mga benepisyong ito?

Rosemarie Baluyut
Commonwealth Ave, Quezon City

REPLY: Ang maternity leave ay para sa mga babaeng manggagawa kasal man o hindi.

Ang bawat nagdadalang taong mangggagawa na nagtatrabaho sa pribadong sektor, mapakasal man o hindi, ay makatatanggap ng maternity leave.

Animnapung (60) araw para sa normal na panganganak o pagkakunan; o pitumpu’t walong (78) araw sa panganganak sa pamamagitan ng caesarian section, kasama ang mga benepisyong katumbas ng isang daang porsyento (100%) ng humigit kumulang na arawang sahod ng manggagawa na nakapaloob sa batas.

Upang makatanggap ng nasabing pribilehiyo, ang babaeng manggagawa ay dapat miyembro ng SSS sa panahon ng kanyang panganganak o pagkakakunan; nakapagbigay siya ng kaukulang notipikasyon para sa SSS sa pamamagitan ng kanyang maypagawa; nakapagbayad dapat ang kanyang maypagawa nang hindi bababa sa tatlong buwang kontribusyon sa Social Security System (SSS) sa loob ng 12 buwan, kaagad bago ang araw ng kanyang panga-nganak o pagkakakunan.

Ang benepisyong maternity leave, tulad ng iba pang mga benepisyong i-pinagkaloob ng SSS, ay i-binibigay sa nga manggagawa sa halip na pasahod ng kumpanya. Kung kaya’t, hindi ito maaaring isama sa pagkalkula ng 13th month pay ng manggagawa para sa buong taon.

Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer
Social Security
System

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Bi-yernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending