MGA papatay-patay at tutulog-tulog na mga pulis, maging alisto na kayo dahil iba na ang ihip ng hangin ngayon.
Ang bagong secretary ng interior at local go-vernment na si Senen Sarmiento ay galit sa mga pulis na natutulog sa pansitan, lalo na yung mga opisyal.
Pinatanggal ni Sarmiento kay Director General Ricardo Marquez, chief ng Philippine National Police (PNP), ang provincial director ng Benguet na si Senior Supt. David Lacdan.
Sinisisi ni Sarmiento si Lacdan sa maraming namatay sa Benguet noong kasagsagan ng bagyong “Lando.”
Ang unang report ay dalawa lang ang namatay sa Benguet, pero umakyat ang bilang sa 11.
Dapat daw ay naging aktibo si Lacdan sa pagbibigay babala sa mga re-sidente ng Benguet na mag-ingat sa landslide.
Karamihan daw sa nasawi ay biktima ng landslide.
Ayan, mga abay, huwag kayong papatay-patay o tutulog-tulog kapag may dumarating na bagyo.
Baka itong si Lacdan ay nagkulong sa kanyang quarters at nagkumot dahil malamig na malamig sa Benguet.
Nahaharap sa matagal na pagkakakulong ang ilang matataas na opisyal ng PNP dahil sa pagkawala ng 1,004 na mga AK-47 na submachine gun na gawa sa Russia.
Ang mga nawawalang baril ay napunta raw sa New People’s Army (NPA).
Kaya naman pala la-ging talo ang ating mga government troops sa mga rebeldeng NPA!
Ang AK-47 ay mas magaling na armas kesa sa US-made M-16 Armalite na ginagamit ng government troops.
AK-47 is superior in firepower and reliability over the M-16.
Ilublob mo sa putik ang AK-47 ng ilang araw at kapag ito’y pinulot mo sa putikan, puputok pa rin na parang walang nangyari.
Hindi ganoon ang M-16 na madaling mag-jam kapag nadumihan.
Ang nakakapantay lang o nakakatalo sa AK-47 ay ang Galil automatic rifle na gawa ng Israel.
Ginaya ng Galil ang AK-47, pero mas pinaga-ling pa ito.
Magandang dalhin ang Galil sa disyerto dahil kahit na mapasukan ito ng buhangin, pumuputok pa rin ito.
Both the AK-47 and Galil need little cleaning and practically jam free.
I am not promoting AK-47, pero dapat ay pag-isipan ng ating gobyerno na ipagamit ito sa ating mga government troops na nasa special operations units.
Masyadong mahal naman kasi ang Galil at di kaya ng budget ng gobyerno.
Dalawang Chinese diplomats ang napatay sa Cebu City noong Mi-yerkules.
Ang mga salarin ay mismong kasamahan nila sa Chinese consulate.
Mabuti’t kapwa nila Intsik ang mga salarin, kundi batikos dito at batikos doon ang aanihin ng bansa sa foreign press.
Paktay sila kanila kasama. Wakanga!
Naalala ko ang joke tungkol sa isang Chinese businessman na malapit nang mamatay.
Pinatawag niya ang kanyang pamilya at mga kamag-anak ng kanyang asawa.
“Andito ba akin asawa?,” tanong ng Chinese na nakapikit na dahil papalapit na ang kanyang wakas.
“Nandito ako,” sabi ng kanyang misis.
Pagkatapos ay tinanong niya kung nasa tabi ng kanyang kama ang kanyang mga anak, manugang, biyanan, mga balae at kahit na mga ka-tulong sa bahay.
Lahat sila ay nagsabi ng “nandito po.”
“Langhiya kayo, sino bantay ngayon tindahan?” tanong ng Chinese.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.