Sa abroad makapag-aasawa (2) | Bandera

Sa abroad makapag-aasawa (2)

Joseph Greenfield - October 23, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Sheila Marie ng Lima, Pastrana, Leyte

Problema:
1. Sa ngayon ay nag-aaplay ako bilang caregiver sa Canada, sa tulong ng ate ko na nakapag-asawa ng isang Canadian citizen. Itatanong lang kung kailan kaya ako makaka-alis? Qualified naman po ako sa inaaplayan ko, kasi tapos naman ako ng college bilang guro at maraming caregiver seminars at training na rin ang na-atenand ko at may experience na rin ako sa pagke-caregiver, kaya tiwala naman ako sa sarili ko na makakarating din ako ng Canada, kaya lang ang hindi ko alam ay kung kailan kaya ito mangyayari?

2. At isa pa nga palang concern ko ay wala akong boyfriend sa ngayon dahil pangarap ko ring sa Canada na manirahan. Sa palagay nyo Sir Greenfield matutupad ko kaya ang lahat ng pangarap kong ito? December 28, 1984 ang birthday ko.
Umaasa,
Sheila Marie ng Leyte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing matapos ang mahaba at nakakainip na paghihintay, sa tulong ng isang Taurus, maaari siya ang ate mo, tulad ng nasabi na, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran may isang mabiyaya at mabungang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.

Numerology:
Ang birth date mong 28 ay nagsasabing ang lalaking magiging first and last boyfriend mo ay taga-ibang bansa at tulad ng iyong i-naasahan, isang foreigner na halos kasing edad mo rin ang iyong mapapangasawa at makakasama habang buhay.

Luscher Color Test:
Upang patuloy kang su-wertehin saan lugar ka man padpalarin ng kapalaran, ugaliing gumamit ng kulay na berde at dilaw. Sa nasabing kulay, tuloy-tuly ang dating at buhos ng ma-gandang kapalaran.
Huling payo at paalala:
Sheila Marie, ayon sa i-yong kapalaran, darating na ang pinaka-hihintay mong suwerte at ito ay magaganap sa susunod na taong 2016 sa buwan ng Enero kaya’y Pebrero sa edad mong 31 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran sa at paglipas ng mga dalawa o tatlong taon pa sa year 2018 sa edad mong 33 pataas, isang foreigner ang iyong magiging boyfriend at siya mo na ring makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya sa bansang Canada.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending