ALAM ninyo na sinusupil ng mga naghahari ang mga bansa (mamamayan) at inaapi ng mga nasa kapangyarihan. Ang landas ng ganap na kadakilaan ay hindi sa pagkamkam ng kapangyarihan para sa sarili kundi ang pag-aalay ng sarili sa paglilingkod sa iba (Is 53:10-11; Slm 33; Heb 4:14-16). Iyan ang Ebanghelyo’t pagninilay sa ika-29 na linggo sa karaniwang panahon.
Ang pagkaltas ng buwis sa mga obrero’t karaniwang kawani ay malaking paglilingkod na sana sa naghihirap, na hindi madama ang daang matuwid. Patuloy na sinusupil ang taumbayan ng mga opisyal ng bansa, anang mga pari sa homilia. Ang bawasan man lang ang kanilang mga buwis ay makagagaan kahit paano. Pero ito’y atubili at hindi ibibigay ng naghihingalong Dilaw.
Napakahirap mag-apply sa gobyerno bilang janitor. Pero, napakada-ling mag-apply bilang pangulo. Tinawag nilang pang-gulo ang mga may kampanilya sa utak, pero mas higit pa rito ang nagsinungaling at nandaya sa kanyang certificate of candidacy, at tinatawag pa siyang malinis. Kung gayon, kung siya nga ang malinis, lahat nga ay marumi, pati na si Mar Roxas.
Ang katotohanan ay higit na nakararami ang bobotante, kaya’t ma-nanalo sa hangalan si Grace Llamanzares, tulad ng nangyari sa Ikalawang Aquino, na nanalo dahil namatayan ng ina. Kung gagampanan lamang ng Comelec ang mandato, ay hindi na dapat patagalin ang problema. Sayang. Ang Comelec pa naman ay pinamumunuan ng i-ginagalang na dekano.
Ang bagyong Lando ang lalaking Yolanda, na nagbulgar sa katangahan ng mga opisyal ni Aquino at pagiging brusko ng mga ito sa gitna ng kapighatian. Ang nangyari sa Yolanda ay naulit sa Lando. Hindi muna ipamimigay ang relief goods sa Casiguran, Aurora dahil aalamin daw muna ang “lehitimong” mga biktima ng bagyo. Tanga nga.
O nagtatanga-tangahan lang (tanga pa rin) dahil hinihintay si Aquino na manguna sa pamamahagi ng relief goods sa nalipasan ng gutom na mga biktima ni Lando. At karay-karay na naman sina Mar at Leni para ipamukhang tumutulong din naman ang mga ito sa nalipasan ng gutom na mga binagyo.
Kinontra ng isang retiradong heneral ng PNP ang pag-aaral ng Transparency International na ang pulisya (69% extremely corrupt) ang pinakakurap sa pag-iral ng tuwid na daan ni BS Aquino. Aniya, mas korap sina Aquino at Abad dahil hindi sila nakakasuhan, samantalang sa PNP, ang huling kinasuhan ay ang mga nagpalusot umano ng mahigit na 100 AK-47. “Hindi nanunuhol ang PNP, pero sinuhulan nila (matataas na opisyal) ang mga kongresista’t senador para mapatalsik si Corona,” anang heneral, na bata ni GMA.
Meron din namang mga pulis na tapat sa serbisyo, pero ayaw kong sabihin kung marami sila, at hindi rin puwedeng konti lang sila. Si chief inspector, nakatalaga sa arabal ng north Metro Manila, ay reresbak dahil sa Batas Okik. Ang Batas Okik ay batas ng nagbabalik (kapal) na si Kiko Pangilinan. Protektado ng Batas Okik ang mga menor sa halos lahat ng krimen. “Hindi namin iboboto si Pangilinan. Dahil sa kanya, mas dumami ang mga biktima, ulila at nawalan,” ani major.
Hanga ako kay major dahil binaril niya, at sapul, ang hinahabol na matuling snatcher. Ang distansiya ay 20 metro. Sa shooter ay mahirap gawin ito, at hindi ito nagaganap sa firing range. Habang namamadyak nang mabilis ay gagalaw at gagalaw ang asinta. Aniya, inspirado lang siyang barilin ang snatcher. Oops, ayaw niya ng publicity.
Ayon sa texter (…1277), nahablutan siya ng cell phone sa Avenida Rizal, malapit sa kanto ng Blumentritt. Wala siyang nakitang pulis at wala rin siyang dinatnan sa PCP, dahil dis-oras ng gabi. I-nilarawan niya ang snatcher na 13-15 anyos. Kung nahuli man ng pulis ang snatcher, hindi rin iyan ikukulong dahil sa Batas Okik.
MULA sa bayan (0916-5401958) : Kapag marami ang Bicolanong tatakbo sa mataas na puwesto, hindi naman kami solid. Ako, hindi ko iboboto ang Bicolanong lasenggo. …5673
Ako po’y vendor sa Calumpit market. Hindi lahat ng binaha ay nabigyan ng tulong. Palakasan ang relief. …5041
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.