Allan K naloka sa balitang nagka- amnesia matapos mabagok ang ulo
GUSTO ko lang itama ang ilang detalye sa naisulat ko kahapon tungkol sa freak accident na kinasangkutan ni kaibigang Allan K while he was riding his hoover board sa taping ng Vampire Ang Daddy Ko ng GMA.
Habang sakay si Allan K ng hoover board ay meron siguro itong naapakang kable ng TV production nila kaya sumemplang siya. Mabuti na lang at puwet ang unang bumagsak sa kaniya pero sa kasamaang-palad ay nauntog ng dalawang beses ang ulo niya sa semento kaya nawalan siya ng malay. Isinugod agad siya ng personal assistant niyang si RJ sa Medical City for immediate treatment.
Akala ko ay tinahi ang ulo niya – hindi pala. ‘Yon ang erratum ko – yung isinulat kong tinahi ang ulo niya. Ginamot lang pala, pinahiran lang ng something dahil nabugbog pero sa resulta ng CT scan ay wala itong blood clot. Kumbaga safe ito – as in. “Malaking tulong ang me-dical cards natin sa ganitong pagkakataon. Ang laki ng diskuwento ko sa hospital bill kahit handa naman akong magbayad. Natuwa lang ako and I encourage you guys na magkaroon ng health cards – laking bagay.
“Anyway, natakot din ako dahil akala ko ay nagka-blood clot ako dahil twice nauntog ang ulo ko.
Mabuti na lang at nauna ang puwet ko dahil kung hindi basag ang bungo ko. Salamat kay Lord – mahal talaga ako ng Diyos – hindi Niya ako pi-nabayaan. Hindi ako tinahi sa ulo, ginamot lang,” ani Allan K nang magkita kami ulit sa Zirkoh the day after ng accident niya.
Noong mismong araw kasi ng aksidente ay nagkita kami sa Klownz Quezon Avenue at nakita ko ang bandage sa ulo niya. Very light lang naman – ang worry lang namin ay baka may blood clot siya – thank God at wala nga. Natawa lang kami sa lumabas na balita sa ilang social media sites at sa isang tabloid yesterday saying na nagka-amnesia si AK.
“Natawa naman ako roon. Noong unang bagsak ko, hinimatay ako. Totoo naman iyon. Pero nang nasa sasakyan na ako, nagbalik-ulirat na ako at tanong ko sa assistant ko ngang si Jay ay kung saan kami pupunta at doon na nga, sinabi niyang naaksidente nga ako at ipagagamot niya ako sa hospital. He brought me to Me-dical City. Pero hindi naman totoong nagka-amnesia ako. Nakakatawa naman iyon – nagka-amnesia talaga! But I am alright now, iniinom ko lang ang medication ko.
“Suwerte ‘kamo ako dahil nauna ang puwet ko. Kaya medyo masakit pa balakang ko ng konti. Ha-hahaha!” paglilinaw ni AK.
Mahal ko iyang si Allan K kaya I really feared nu’ng kausap ko siya that very night nang palabas na siya ng hospital. Ayokong mawalan ng ka-tong-its, ‘no! Ha-hahaha! Masarap kasing kahalakhakan si AK – we enjoy each other’s company. Lalo na pag tinatalo niya kami sa tong-its – lalo na’t pag nakukuha niya ang sidebet namin sa quadro. Kaloka, di ba Beki Belo? Di ba Petite Brochovitz? Di ba Inang Willy Jones? Di ba Boobsie Wonderland? Di ba Chubbylita? I-rundown talaga ang mga tong-its girls? Ha-hahaha!
Anyway, get well soon my dear friend, Allan K. Mwah!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.