Grace naaalala ang sarili kay Ningning bilang ex-child star | Bandera

Grace naaalala ang sarili kay Ningning bilang ex-child star

Ervin Santiago - October 22, 2015 - 02:00 AM

grace poe

KAKAIBA talaga ang “magic” ng isa sa mga pambatong child stars ng ABS-CBN na si Jana Agoncillo na napapanood araw-araw sa seryeng Ningning. Imagine, kahit si Sen. Grace Poe ay umaming gustung-gusto niya ang bagets lalo na kapag naglilitanya na ito ng mahahaba niyang dialogues sa TV.

Kumalat sa social media ang litratong ipinost ng senadora sa Instagram na kuha nang sila’y magkita sa isang okasyon, “I met Ningning’s lead child actress today, it was so nice to see you Jana! You truly are a talented and smart young girl 🙂 All the best dear,” ang caption nito sa picture.

Marami ang hindi nakakaalam na minsan ding naging child star ang anak ni Da King Fernando Poe, Jr. at ng Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Ms. Susan Roces. Siya ang gumanap na anak ni Pacquito Diaz sa pelikula ni FPJ na “Durugin Si Totoy Bato.”

Bukod pa sa 1979 movie ng kaniyang ama at ni Ms. Charo Santos, gumanap din ang senadora na isang batang palaboy sa isa pang pelikula ni Da King na “Dugo Ng Bayan.” At tulad nga ng naging pahayag sa isang panayam ni Ms. Susan, ito siguro ang dahilan kung bakit malapit sa mga bata ang kanyang anak at naging adbokasiya na niya ang pagtatanggol sa mga karapatan ng mga bata bilang isang mambabatas.

Matatandaan na isa sa mga panukalang batas na isinulong ni Grace sa Senado ay ang “First 1,000 days” bill na naglalayong proteksyunan ang kalusugan ng mga batang bagong silang hanggang sila ay ma-ging dalawang taong gulang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending