Daniel, Kathryn binulabog ang Comelec, sabay nagpa-biometrics | Bandera

Daniel, Kathryn binulabog ang Comelec, sabay nagpa-biometrics

Ervin Santiago - October 21, 2015 - 02:00 AM

daniel padilla

Sumugod ang sandamakmak na Kathniel fans sa opisina ng Comelec sa Quezon City Hall kahapon para saksihan ang pagpaparehistro at pagpapa-biometrics nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

First time voters sina DJ at Kath kaya talagang nag-effort sila para makahabol sa huling dalawang linggo ng registration. At tulad ng inaasahan, nagkagulo ang mga tao sa Comelec, hindi lang ang mga tagasuporta ng mga bida sa seryeng Pangako Sa ‘Yo kundi pati na rin ang staff ng Comelec.

Magkahiwalay na nagparehistro sina Daniel at Kathryn, Si DJ ay sa District 6 ng Q.C. dumiretso habang sa District 3 naman si Kathryn. Sa maikling panayam namin sa binata, sinabi nitong masaya ang feeling na isa na siyang botante ng Pilipinas.

“Masaya, siyempre, iba na rin eh kasi kapag bata ka tapos nagganito ka (parehistro) iba na ang feeling. Iba ang pakiramdam. Sa pagboto dapat responsable ka hindi naman ‘yun boto ka lang nang boto. Ikaw din mismo,’di ba dapat responsible rin?” ani Daniel.

Meron na raw siyang ieendorsong presidente at isang senador? “Totoo naman ‘yun pero hindi pa puwedeng I announce. May napupusuan. Paano napili? Sinabi ko nga ginagabayan ako nina Tito Mike (Planas, stepfather niya) nina papa at mama, kung sino dapat iboto, kilalanin, nakikinig din lang ako sa kanila pero siyempre iba pa rin yung gusto mo ako naman nire research ko kung ano baa ng ginawa nito yun ang way ko para makilala ang tao.”

Kinumpirma rin ni Daniel na sasama siya sa kampanya ng ieendorso niyang kandidato, “Oo makikisama ako roon, kung gusto mong manalo ang ikinakampanya mo why not, wala namang masama roon. Ako aakyat talaga ako.”

Dagdag pa nito, “Si Kathryn mayroon din, pinag-uusapan naming yun. Pero hindi ko alam kung sino sa kanya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending