AlDub ikinumpara ng Us Website sa 2 Hollywood Stars | Bandera

AlDub ikinumpara ng Us Website sa 2 Hollywood Stars

Ervin Santiago - October 21, 2015 - 02:00 AM

yaya dub

NANINIWALA kami sa sinasabi ng milyun-milyong fans nina Alden Richards at Maine Mendoza na hindi imposibleng maging international stars din ang Kalyeserye loveteam dahil na rin sa kasikatang tinatamasa nila sa buong mundo.

Kamakailan, isang American singer-composer-producer ang nagsabing interesado siyang kunin ang serbisyo ni Yaya Dub para magbida sa ipoprodyus niyang musicale. Gusto niya raw makatrabaho ang Social Media at Dubsmash Queen dahil naniniwala siya sa kakayanan nitong magpaligaya at mag-entertain ng tao.

Kahapon, kumalat din ang balita na bidang-bida rin ang Eat Bulaga loveteam sa American news website na Morning News USA dahil na rin sa phenomenal success nila sa Twitter.

Sa isang article na may titulong “Do You See #ALDUB A Lot On Twitter Lately? We Have The Answer,” na isinulat ni Athena Yenko, inisa-isa rito ang mga dahilan kung bakit araw-araw nagte-trending topic sa Twitter at iba pang social media sina Alden at Maine hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang bahagi rin ng mundo.

Ikinumpara pa nga ng writer ang dalawang Kapuso stars sa mga Hollywood superstars na sina Emma Stone at Ryan Gosling sa pelikulang “Crazy, Stupid, Love.” Nakasulat din sa artikulo ang pagkumpirma ng isang opisyal ng Twitter na “real and organic” ang 25.6 million tweets na naitala ng Sept. 26 episode ng Eat Bulaga na may hashtag na #AlDubEBforLove.

Muntik na nga raw nitong mawasak ang record ng Super Bowl XLIX (game between Seattle Seahawks and the New England Patriots) na nakakuha ng 28.4 million tweets noong February, 2015.

Inamin ng mga taga-Twitter na nu’ng una ay hindi rin sila makapaniwala sa naitalang record ng AlDub ngunit sabi ng isang opisyal ng nasabing microblogging site, “This is such a global phenomenon, as I said, that we had to look internally to make sure that these tweet vo-lumes were in fact authentic.

But this is real. This is not a sideshow. This is real media being creative.” Sa darating na Sabado, muling masusubok ang pwersa ng AlDub Nation at AlDub Universe – mawasak muli kaya nila ang record na 25.6 million tweets sa magaganap na “Tamang Panahon” fans day ng Eat Bulaga na gaganapin sa Philippine Arena? ‘Yan ang aabangan ng buong mundo.

Samantala, sa loob lang ng tatlong araw ay soldout na ang lahat ng ticket sa “Tamang Panahon” fans day ng AlDub at Eat Bulaga. Ang 100% na kikitain nito ay mapupunta lahat sa “AlDub Library Project” kung saan magpapagawa ang Dabarkads ng mga library sa iba’t ibang paaralaan sa Pili-pinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending