Kandidatura ni Binay kaawa-awa | Bandera

Kandidatura ni Binay kaawa-awa

Leifbilly Begas - October 21, 2015 - 03:00 AM

TAPOS na ang paghahain ng certificate of candidacy ng mga tatakbo sa 2016 elections.

Nagkaalaman o naging pormal na ang pagtutunggalian ng mga kandidato mula sa iba’t ibang partido.

Pero hindi nanga-ngahulugan na tapos na ang pagsasanib-puwersa ng mga pulitiko.

Sa national election, tanging ang Koalisyon ng Daang Matuwid pa lamang ang nagharap ng 12 kandidato sa pagkasenador.

Iniuugnay sa tandem nina Sen. Grace Poe at Sen. Francis Escudero ang ilan sa mga naghain ng COC para makatakbo sa pagkasenador pero hindi pa malinaw kung sino ang kanilang makakasamang tatayo sa entablado. Mukhang makaku-kumpleto rin sila.

Pero iba ang kuwento sa kampo ni Vice President Jejomar Binay at Sen. Gringo Honasan (Bi-Hon o Bi-Ngo). Mukhang napag-iwanan na siya o baka iniwanan na siya ng mga inaakala niyang bubuo sa kanyang senatorial slate.

Ang mga malalaking pangalan na natira ay mukhang mapupunta pa sa tambalan nina Sen. Miriam Defensor Santiago at Sen. Bongbong Marcos.

Ayaw umano kasi ng mga ito na madikit sa pa-ngalan ni Binay na iniuugnay sa mga bilyon-bilyong katiwalian. Ang mga akusasyon kay Binay at kanyang anak na si Makati Mayor Junjun Binay ay isa-isa na rin kasing naisasampa sa Sandiganbayan ng Office of the Ombudsman.

Nagmukha tuloy kawawa ang kandidatura ni Binay. Taliwas ito noong malayo pa ang eleksyon at si Binay pa ang nangunguna sa mga survey, lahat nalang yata ay gustong dumikit sa kanya sa paniwala na siya ang magiging susunod na pangulo ng bansa.

Para tuloy naulit ang 2007 at 2010 presidential elections kung saan walang gustong maging kandidato sa pagkasenador ng administrasyon ni noon ay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo dahil takot maulingan ng katiwalian.

Pag-unlad nga bang matatawag ang grabeng trapik sa San Mateo, Rizal partikular sa General Luna st., na siyang pinakamalaking kalsada sa bayan at nag-uugay dito sa Marikina City at bayan ng Rodriguez?

Hindi maikakaila na marami ang sasakyang dumaraan sa lugar dahil mas marami ang nagtatrabaho na taga-San Mateo sa labas ng bayan.

Pero ang paniwala ng ilang motorista, walang disiplina o hindi dinidisiplina ng mga trapik enforcer ang mga motorista lalo na ang mga pampasaherong sasakyan kaya nagtatrapik.

Kapag nakakita ng pasahero o kaya ay mayroong pumara hindi na tumatabi nang maayos ang pampasaherong jeepney kaya ang mga nakasunod sa kanya ay walang magawa kundi huminto.

Ang drainage system naman ay hindi pa rin tapos hanggang ngayon. Napakatagal na nitong ginagawa.

Singitan din nang si-ngitan ang mga naka-motorsiklo na hindi pinapansin ng mga traffic enforcer kahit pa walang suot na helmet, walang rehistro, at sobra sa dalawa ang sakay.

Para bang hindi nila alam ang mga paglabag kaya hindi na lang nila pinapansin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi naman maaa-ring sabihin ni Mayor Rafael Diaz na wala siyang magagawa. Nasa huling termino na siya at sinusuportahan naman siya ng konseho na pinamumunuan ng kanyang misis na si Vice Mayor Cristina Diaz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending