Myrtle naiyak matapos gayahin si Mystica sa YFSF: Ang hirap mag-split!
Pati kami ay napaluha matapos ang performance ng Cosplay Queen at Star Magic Angel na si Myrtle Sarrosa sa Your Face Sounds Familiar noong Linggo ng gabi.
Naging emosyonal ang dalaga dahil daw sa hirap ng pinagdaanan niya para lang ma-perfect ang panggagaya kay Mystica with the song “Simple Lang”. Talagang napaiyak si Myrtle habang iniinterbyu ng host na si Billy Crawford at ng YFSF judges.
Ayon kay Myrtle, talagang kinarir niya ang kanyang performance that night pati ang pag-i-split at pag-ikot-ikot ng ulo ni Mystica habang kumakanta ay gayang-gaya ng Kapamilya TV host-actress.
“I am speechless. This was not something I expected, I did not expect this in my wildest dreams for you to go to Gary Valenciano, and ah…people don’t know, ano ka talaga eh, mahiyain, and to see you do this.
Kanina, may konting hesitation, pero ngayon parang, wala, nagpakawala ka na talaga. “And I say this in a good way. All of a sudden, I saw a totally different person. This one I did not see a single Myrtle there, not one. I am just so proud of you,” ayon kay guest judge Teacher Annie ng The Company.
“Paglabas mo pa lang sa iconator kanina, pagnga nga mo pa lang, oh my God, Mystica na. Tapos ‘yung pag-anong tawag diyan, helicopter ng buhok, ang galing, as in. I think the best of your performances.
This performance proved na kaya mong gawin kahit ano,” papuri naman sa kanya ni Jed Madela.
Sey naman ni judge Gary V, bumilib siya kay Myrtle nang bigla itong mag-split ala-Mystica dahil hindi niya in-expect na gagawin ito ng dalaga.
“She did all of that for a few seconds on the floor na naka-split para lang mapanood niyong lahat. I want to encourage you, though, na that hard work, huwag mo lang gawin dito sa ‘Your Face Sounds Familiar,’ make this be a stepping stone para sa lahat ng gagawin mo pagka-tapos nito. Good job, Myrtle, good job,” sabi ni Gary.
Si Myrtle ang tinanghal na winner sa huling YFSF showdown at kalahati ng napanalunan niyang P100,000 ay ido-donate niya charity institution na Grace to be Born, isang foundation na tumutulong sa mga bata at nanay na grabe ang dinaranas na hirap dahil sa pagbubuntis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.