Sigaw ng Netizens: Daniel responsableng botante… hindi magpapasilaw sa pera ng kandidato
MARAMI ang naloka when Karla Estrada said na ang anak niyang si Daniel Padilla ay mag-e-endorse ng politico this co-ming elections. “Oo, mayroon siyang ieendorso, president, at saka senator, isa,” say ni Karla sa isang interview na lumabas sa isang online portal.
An online portal posted several reactions of people from social media about Daniel’s endorsing a political candidate. Mostly, ayaw ng fans ni Daniel na mag-endorse siya ng kandidato.
“@imdanielpadilla sana wag ka papayag sa mga politiko mag endorsment sa kanila. Baka ikasira mo lng yan. #PSYBanggaan Kathniel.” “Kung yung mga corrupt candidates lang din ieendorse ni Dj, sana di pa rin i-vote ng fans. Wag magpadala.”
“NO DJ!! NO! @imdanielpadilla @Estrada21Karla bumoto ka na lang wag ka na mag endorso!!!” “He’s advocating an org on voting wisely. I just hope he changes his decision regarding this. #PSYBanggaan.”
“Celebrities should stay away from associating themselves to people running for office especially in the Philippines.” Ilan lang ‘yan sa mga nabasa naming reactions ng fans ni DJ.
We felt that it’s Daniel’s right na mag-endorse ng kandidato. Kung iniisip ng fans niya na pera-pera lang ang lahat, so be it. Nakakaloka na hindi pa man din ina-announce ni Daniel kung sinong presidentiable at senatoriable ang ie-endorse niya ay marami nang kiyaw-kiyaw against him.
Bakit hindi muna nila hintayin kung sino ang pi-piliin ni Daniel? And we believe he is responsible enough para pumili ng next leader ng bansa.
Sabi nga ng isang DJ fan, “Wag nyong pangunahan si Daniel may sarili syang isip at di ako naniniwala na magpapasilaw siya sa pera pagdating ng eleksiyon.”
Pagdating naman sa rumored dyowa ni DJ, dahil nga kilala ito bilang member ng INC posibleng magkaiba sila ng iboboto sa 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.