NAGPAKALBO si Sara Duterte, anak ni Davao City Mayor Rody Duterte, upang ipaalam sa madla na binibigyan na niya at ng kanilang pamilya ang haligi ng kanilang tahanan na tumakbo sa pagka-Pangulo.
Si Sara ay dati ring mayor ng Davao City.
Sa kanyang Instagram account kahapon, sinabi ni Sara na nagpaahit siya ng kanyang ulo tanda ng pagbibigay ng kanyang pamilya ng pahintulot na tumakbo na ang kanyang ama.
Sinabi kasi ni Rody noong Lunes na ayaw ni Sara na tumakbo siya sa pinakamataas na puwesto ng bansa sa 2016.
“Do not run for President. You don’t owe anything to anybody, and you’ve done more than enough for your country,” sabi ni Sara sa kanyang ama na binasa mismo ni Rody sa publiko noong Lunes.
Pero sa kanyang Instagram kahapon, sinabi ni Sara: “Nagpa-upaw na lang ko samtang naghulat#Duterte 2016#. Kalbo para sa pagbabago#no hair we care#bisdan walay kuwarta, bisan walay makinarya, bisan mapildi#just DU it.”
(Translation: Nagpakalbo ako habang naghihintay#Duterte 2016#.Kalbo para sa pagbabago#no hair we care#kahit walang pera, kahit walang makinarya, kahit matalo#just DU it.)
Si Sara at ang kanyang ama ay may love-hate relationship dahil kampi siya sa kanyang ina na nakipaghiwalay kay Rody.
Si Sara lang ang nakakalaban at nakakasagot-sagot sa kanyang ama; ang kanyang mga kapatid ay tameme sa kanilang kontrobersiyal na magulang.
Palaging sinasabi ni Duterte na kokonsultahin pa niya ang kanyang pamilya kung siya’y tatakbo.
Ngayong binigyan ng kanyang anak na si Sara ng go-signal, wala nang dahilan si Rody para di tumakbo.
Ang kanyang sinasabi na siya’y matanda at mahina na para maging Pangulo ay paeklat lang.
Paano naging mahina ang isang lalaking oversexed at isang certified na babaero at maagang pumasok ng opisina? Aber!
Kung hindi tatakbo si Duterte, para niyang tinalikuran ang bansa na kailangang-kailangan siya.
Ang mga declared presidential candidates—dating Interior Secretary Mar Roxas, Vice President Jojo Binay at Sen. Grace Poe—ay hindi makakapantay kay Duterte sa qualifications.
Si Duterte ay may integridad, matatag na lider at may karanasan sa pamamahala o governance.
Si Roxas ay may integridad nga, pero mahina at mabagal siya sa desisyon at kailangan pang konsultahin ang kanyang nanay na si Judy.
Si Poe ay may integridad din gaya ni Roxas, pero wala siyang karanasan sa pamamahala; bukod pa rito, wala pa naman siyang nagawa sa bansa.
Si Binay ay may karanasan nga sa pamamahala bilang mayor ng Makati noon, pero siya’y kawatan numero uno.
Ang sigaw ng sambayanan na tumakbo si Duterte ay palakas ng palakas araw-araw.
Alam ng mamamayan na si Duterte ang solusyon sa problema sa droga at kriminalidad at korapsyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.