Kris bwisit na bwisit sa pangdededma ni Bistek kaya todo pabebe ang drama | Bandera

Kris bwisit na bwisit sa pangdededma ni Bistek kaya todo pabebe ang drama

Cristy Fermin - October 13, 2015 - 02:00 AM

kris aquino

Nakakaawa naman si Mayor Herbert Bautista. Siya ngayon ang sinisisi ni Kris Aquino kung bakit nito tinalikuran ang proyektong dapat sana’y pagtatambalan nila bilang entry sa MMFF.

Kung anu-anong kiyeme pang katwiran ang i-binigay ni Kris nu’n. Kesyo hindi raw nito makakasama ang isang ci-nematographer sa pelikula, kesyo ito raw kasi ang nag-aalaga sa kanyang mga anggulo, kaya dahil hindi puwede ang cinematographer ay basta na lang ti-nuwaran ng aktres-TV host ang pelikula.

Nabulabog ang Star Cinema, nagtangka si Kris na kausapin ang mga ehekutibo ng produksiyon kasama ang kanyang mga kapatid, pero nakatanggap sila ng abiso na huwag nang tumuloy dahil hindi na nila kailangan pang mag-meeting para resolbahan ang kanilang problema.

Pero nagbago na naman ng dahilan si Kris, si Mayor Herbert ang isinangkalan nito sa pagtalikod sa proyekto, hindi pa rin ito handang makasama ang aktor-pulitiko sa pelikula.

Siguradong ikinawindang ng mayor ng Kyusi ang mga bagong sigaw ni Kris. Naman!  Nu’ng nakaraang taon pa pinagpistahan ang kanilang naudlot na relasyon pero hanggang ngayon pala’y isyu pa rin ‘yun para kay Kris?

Ano naman ang kasalanan ni Mayor Herbert, pinipilit ba ang pakikipagrelasyon, kung sa ayaw ng tao ay may magagawa ba si Kris? Isang malaking hamon para sa aktres-TV host si Mayor Herbert.

Nasanay na kasi si Kris Aquino sa mga lalaking nangyuyupa sa kanyang kasikatan at kayamanan.
Pero heto ang isang Mayor Herbert na hindi ganu’n, deadma, kaya inis na inis si Kris!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending