Kris Bernal inaatake na ng nerbiyos dahil kina Ate Guy at Manoy
Isa sa mga preparations na ginagawa ngayon ni Kris Bernal para sa upcoming series niyang Little Nanay (dating Little Mommy) ng GMA 7 ay ang pagkakaroon ng immersion kasama ng mga taong may intellectual disability (ID).
Gaganap na isang mentally-challenged young adult si Kris sa nasabing Kapuso serye kung saan makakasama niya sina Superstar Nora Aunor at award-winning veteran actor Eddie Garcia.
Todo na ang ginagawang paghahanda ng dalaga para sa Little Nanay dahil aminado siyang mahirap ang role na gagampanan niya rito.
Talaga raw na kinilala at inobserbahan nang husto ni Kris ang mga batang may ID kasama sina Juancho Triviño at Hiro Peralta para siguraduhing tama ang mga maipapakita nila sa kanilang upcoming series.
Inamin ni Kris na inaatake na rin siya ng nerbiyos dahil makakatrabaho niya sina ate Guy at Manoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.