Kris sukdulan ang pagiging pabebe, nag-iinarte lang sa 2015 MMFF | Bandera

Kris sukdulan ang pagiging pabebe, nag-iinarte lang sa 2015 MMFF

Alex Brosas - October 11, 2015 - 02:00 AM

kris aquino

MATINDING sakit ng ulo ang tiyak na ibinigay ni Kris Aquino matapos siyang mag-backout sa movie nila ni Mayor Herbert Bautista.

All set na ang dalawa, ready na ang lahat pero biglang nagbago ang isip ni Kris all because her request for a cinematographer was not met. Hindi naman kasalanan ng production, may previous commitment ang cinematographer kaya hindi niya dapat sisihin ang movie outfit.

Isa pa, hindi ba niya magagawa ang movie kung wala ‘yung ni-request niyang cinematographer? How unprofessional can she get. Marami namang magagaling at award-winning na cinematographer sa showbiz, why don’t you try them out?

“Actually kasi, nagkaproblema kami sa DOP (director of photography). Kasi ‘yung DOP for Etiquette for Mistresses, ‘yun ang nire-request ko talagang DOP o cinematographer ko para dun sa movie (namin ni Herbert).“

Maiintindihan ninyo naman ako dahil talagang inaalagaan ako du’n sa shoot (ng Etiquette for Mistresses). Parang ine-explain ko sa kanila na, ‘Dun na nga sa story na ginawa ninyo, ako na nga ‘yung babaeng laging hindi pinipili, babaeng inayawan.

“‘Di ba ninyo kayang ibigay sa akin na sa movie naman pagandahin ninyo ako, para ‘pag nanonood naman ang mga tao, sasabihin nila, ‘Ano ba ‘yan? Bulag ba ang lalaking yun?’ Hindi maayos-ayos yung sked.

So, sinabi ko na baka lang talaga na it’s a sign from God na huwag nating ipilit ito.” ‘Yan ang aria ni Kris na lumabas sa isang popular showbiz portal. When asked kung alam na ni Mayor Herbert ang nangyari, Kris said, “I cannot speak for him kasi ang issues ko ngayon, issues namin internally with Star Cinema, with Direk Tonette, and with the production.

Kasi hindi naman siya ang may issue, e. Ako ang may issue.” Kris is leaving to fate kung matutuloy o hindi ang movie niya with Mayor Herbert, “Bahala na si Lord,” she said. “Ganito na lang, mag-abang tayo, kasi dapat talaga may first shooting day sa Monday [October 12].

Sa dami ng nangyari dito, di ba? “’Pag nag-shooting kami sa Friday, ibig sabihin nun, alam mo na, tuloy. Kapag hindi nag-shooting sa Friday, ibig sabihin noon, may limang block screenings akong maiikutan naman.”‘Yan ang dagdag na aria ni Kris sa kanyang interview.

Ang feeling namin ay nag-iinarte lang itong si Kris at idinamay pa si Bimby, nagpapabebe lang. Masyado kasi siyang favoured and she felt na she can always get away with what she wants, how she wants it and when she wants it.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending